Bygone Heroes

41 6 0
                                    

Bygone Heroes

by: composmentisgirl


Ang mga bayani ng kahapon
Lumaban upang kalugmuka'y iahon
Katapanga'y inilabas mula sa kuwadradong kahon
Nakipagdigma sa apoy ng kahapon

Gamit ang kalasag at itak
Dugo't pawis sa inang bayan ay pumatak
Katarungan sa isip ay isinaksak
Kaya't kapayapaa'y nakamit at sa ati'y nagbigay galak

Gamit ang kanyon at baril
Mga plano sa utak ay isiniil
Mga galit sa puso ay nagliliyab ng walang tigil
Kaya't buhay ng mga mananakop ay kanilang kinitil

Ngunit sa mga panahong lumipas
Mga alaala ng bayani ay unti-unting kumukupas
Mga interes ng kabataa'y nasa iba't-ibang landas
Ilan sa ati'y hindi nagiging patas

Hindi man natin aminin
Mga bayani minsa'y nalilimutan natin
At kahit wala tayong sabihin
Hindi lahat ng bayani ay kilala natin

Ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay
Ang nag-ambag ng lakas upang mga mananakop ay mapatay
Ang nagbigay ng pag-asa sa mga pusong parang lantang gulay
Kapayapaan at katarungan para sa bayan ang kanilang pakay

Ang mga tagapagsalba ng nakaraan
Hindi natin dapat kalimutan
Mga katauhan nila'y dapat nating pag-aralan
Sapagkat kundi dahil sa kanila, hindi tayo ngayon nakakaranas ng kalayaan


***

AN: I'm so sorry if this entry is lame.

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now