MATEMATIKA

107 15 1
                                    

-Dedicated to JeanAmigo . Thank you for voting
Ang Tula Ni Maria (Kasalanan).-

Matematika

by: composmentisgirl

Sabi nila, ito ang pinakamahirap na asignatura
Asignaturang nagpapagulo sa isipan nila
Asignaturang nagpapabaliw sa kanila
At asignaturang nagpapabagsak sa kanila

Ngunit ano ba talaga ang Matematika?
Oo nga't isa ito sa pinakaayaw na asignatura
Ngunit alam niyo bang parte ito ng buhay ng bawat-isa?
Sapagkat tayong lahat ay nakakagawa ng simpleng Matematika

Halimbawa na lang ay ang pagbibilang mo ng ex mo
Ang pagbibilang mo kung ilang puso na ang nawasak mo
Ang pagbibilang mo kung ilang babae na ang naloko mo
At ang pagbibilang mo sa mga matang napaluha mo

Alam mo ba kung gaano kasakit?
Alam mo ba kung ilang libo ang dala kong hinanakit?
Alam mo rin ba na kahit isang araw hindi nabawasan ang pait?
Kaya ayun, mas dumoble pa ang naramdaman kong sakit

Noong mga araw na kasama pa kita
Ramdam ko noon ang sobra-sobrang saya
Hinahati ko mga gawain makasama lang kita
Binabawasan mga trabaho upang ika'y mabigyan ng importansiya

Ang pag-ibig, para lang yang Matematika
May dadating upang punan ang 'yong saya
Meron din namang dadating upang idoble ang nararamdaman mong lungkot at pagdurusa
Merong aalis na babawas sa dinadala mong problema
Meron ding aalis upang mahati ang iyong atensyon at pagluluksa

Kaya't 'wag sana nating kalimutan
Talagang mahirap ang Matematika, alam ko yan
Ngunit kung makikinig lamang at pag-iisipan
Matematika ay marami pang kahiwagaan

***

Author's Note:

PLEASE DON'T PLAGIARIZE. KUNG MAY PLANONG MAG-SHARE MAKE SURE NA MAGBIBIGAY NG CREDITS SA AUTHOR. MAGBIGAY PO NG RESPETO SAPAGKAT PINAGHIRAPAN PO ITO NG MAY-AKDA.

Truly yours,
Ate CM

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now