Requested by Wenelyn Ponce
Dedicated to Yamkokie. Thanks for voting ATNM (Note).
A Wicked Farewell
by: composmentisgirl
Iniwan mo ko sa kasagsagan ng bagyo
Iniwan mo ko sa gitna ng disyerto
Iniwan mo ko para tuparin ang pangarap mo
Iniwan mo ko sa labanang tayo sana ang mananalo
Iniwan mo ko sa ere
Iniwan mo kong puno ng pagsisisi
Iniwan mo ko ng wala man lang pasabi
Iniwan mo ko ng wala na kong silbi
Bakit ka nga ba lumisan?
Para tuparin ang iyong pangarap at kagustuhan?
Kung gayo'y ba't 'di ka man lang nagbigay alam?
Basta ka na lang umalis nang hindi nagpapaalamNangako tayo sa isa't-isa
Na haharapin lahat ng sigalot at problema
Kahit na nasa taas ako't nasa baba ka
Iniwan ang karangyaan para lang makapiling ka
Akala ko totoo ang nararamdaman mo
Akala ko totoo ang pagmamahal mo
Yun pala ay ginamit mo lang ako
Upang makuha lahat ng nais moNaniwala ako sayo noon
Umabot pa nga tayo ng mahigit tatlong taon
Pero lahat ng yun ay hindi na importante ngayon
Dahil ang mga alaala natin ay akin nang ibinaon
Gusto ko lang sabihin sayo
Oo, ang sakit ng ginawa mo
Ngunit hindi ito ang magiging dahilan upang ako'y sumuko
Hindi ito ang magiging dahilan upang ako'y tuluyang magpataloNiloko mo ko para makuha ang yaman ko
Ginamit mo ko upang bumango ang pangalan mo
Sinaktan mo ko upang makawala sa mahigpit na yakap ko
At iniwan mo ko dahil hindi naman totoo ang pagmamahal mo***
![](https://img.wattpad.com/cover/136733159-288-k984599.jpg)
YOU ARE READING
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...