A Change

37 6 1
                                    

Requested by Jeankie Orial

A Change

by: composmentisgirl

Isa akong baguhan
Sa mga pakiramdam na 'di ko alam ang dahilan
Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan
At minsan nama'y nasisiyahan

Isa lang akong simpleng babae
Na 'di gaanong attracted sa mga lalaki
Pero nung nakita kita natanong ko sa sarili
"Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko, anong nangyari?"

Tuwing nakikita kita, tumitigil ang mundo ko
Parang nakikipagkarera sa bilis ang tibok ng puso ko
Parang may mga paru-parong naninirahan sa tiyan ko
At nagiging kamatis sa pula ang pisngi ko

Ito ba yung tinatawag nilang kilig?
Yung 'pag naiisip kita mga balahibo ko'y tumitindig
Yung 'pag nginingitian mo ko gusto ko nang maglupasay sa sahig
At dahil sa guwapo mong mukha... Ayun, naihi ako sa kilig

Natuto akong mag-ayos ng buhok
Lumabas sa pinagtataguan kong sulok
'Di na rin ako nangangamoy putok
Kahihiyan ay aking nilunok

Pero isang araw nakita kita
May kasama kang babae ta's ang ganda-ganda niya
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa
Yung puso ko nadurog, at ako nama'y lumuha ng lumuha

Nasaktan ako sa nakita ko
Selos ba itong nararamdaman ko?
Pinilit maging masaya makalimot lang sa sakit na dinulot mo
At kinabukasan nalaman ko, pinsan mo pala siya.
Tsk, ang shunga ko

Hindi ko alam kong crush lang talaga kita
Halo-halo ang nararamdaman ko, siguro mahal na kita
Salamat pala sa pagiging inspirasyon mo sa buhay kong dalita
Dahil sayo naranasan kong magbago at umibig tulad ng iba

***

AN: Laughtrip ako dun sa putok,eh. 😂

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon