Ina

22 3 8
                                    

Ina

by: composmentisgirl

Ikaw ang tinaguriang ilaw ng tahanan
Sa loob ng siyam na buwan ako'y nasa iyong sinapupunan
Inaruga niyo ako't inalagaan
Ngunit ako'y naging bingi at nagbulag-bulagan

Mula sa mga kuwento't mga oyayi
Ang pag-ugoy ng duyan habang humehele
Sa tuwing ako'y iiyak nandiyan kayo sa 'king tabi
Ngunit bakit ang simpleng, "Mahal kita Ina," ay 'di ko masabi?

Ako'y binihisa't pinakain
Pinaliguan ng mga magagandang habilin
Hinainan ng mga asal na dapat sundin
Ngunit bakit 'di ka man lang magawang respetuhin?

Kinupkop at pinag-aral
Pinaramdam ang walang hanggang pagmamahal
Pagmamahal na 'sing tamis ng asukal
Ngunit bakit ang puso'y 'sing tigas parin ng bakal?

Ako'y pinalaki ng mabuti
Pinagpapasensiyahan kahit minsa'y wala 'kong silbi
Binibilhan ng mga luho kahit ' di naman importante
Ngunit bakit ang mga katagang, "Patawad Ina," ay 'di ko masabi?

Binigyan ng tahana't maayos na kanlungan
Binigyan ng kumot at maayos na higaan
Binigyan ng pamilya na masasandalan
Ngunit bakit'di ko makita ang 'yong kabutihan?

Binusog ng mabubuting pangaral
Pinahalagahan ng pusong bukal na bukal
Iniingatan at ipinagdadasal
Ngunit bakit 'di niyo ko masumbatan kahit ako'y sagabal?

Ako'y nagawan niyo ng maraming bagay
Ang pagmamahal ng isang inahin sa kaniyang inakay
Ang kalikasan na siyang nagbibigay buhay
Ang inang bayan na siyang nagbibigay kulay

Ngayon ko lamang sasabihin
Sa lahat ng aking maling gawain
Sa mga pagbabalewala at 'di pagbibigay pansin
Ina, ako sana'y inyong patawarin

Sa bawat pagmamatigas
Ay katumbas nang paglihis ng mga landas
Ang pagbabalewala sa inang nagbigay lakas
Ay katumbas nang kasawian ng bawat wakas





***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now