Death Of The Sun

42 8 1
                                    

Requested by Mycho Balacy




Dedicated to Yamkokie




Death Of The Sun

by: composmentisgirl




Pagmamahal nati'y napakalalim
Kung wala ito'y mundo nati'y magiging madilim
Ang kadiliman ay babalot sa budhi nating itim
Ang kamatayan ng araw ay hindi natin maatim




Pero teka... Namamatay ba ang araw?
Naku! Nalipasan ka na naman ng gutom, baka gusto mo ng lugaw?
Ito pampalamig, ice cream, bilisan mo baka matunaw
Imagination mo andun na sa outer space, 'di ko na matanaw




Hindi naman kasi 'Sun' ang ibig kong sabihin
Ang ipinapahiwatig ko ay yung mga taong iniidolo natin
Tulad ng araw, sila ay sikat din
Ngunit paano na lang kung ang buhay nila'y bawiin?






Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang idolo
Mga idolong parte ng ating buhay at ng ating mundo
Alam nating hindi natin sila kaano-ano
Pero minamahal pa rin natin sila ng buong puso at totoo






Kahit sila ay nasa malalayong lugar
Nasasagap pa rin sila ng ating radar
Kahit sila ay may kaniya-kaniyang paandar
Natutuwa pa rin tayo't 'di naaasar






Ngunit, alam naman natin na sa paglipas ng oras
Kasikatan nila ay maaaring kumupas
Maaaring buhay nila'y umiba ng landas
At maaaring alaala na lang nila ang matitirang bakas






Paano na nga ba kung sila ay pumanaw?
Paniguradong may parte sa sarili nating mundo ang magugunaw
Ang kasiyahan natin ay unti-unting matutunaw
Ang aktibo nating sarili ay unti-unting malulusaw





Paniguradong tayo'y malulungkot
Ang kamatayan nila'y magsisilbing bangungot
Ang pagdating ng oras na 'yun ay nakakatakot
Ang pagkawala nila'y nakakakilabot







Gustuhin man nating manatili silang buhay
Hindi tayo ang Diyos at wala tayong kapangyarihang taglay
At kung darating ang panahon na sila'y mamamatay
Huwag natin silang kalimutan kahit sila ay isa nang bangkay,
At nakaratay na sa isang hukay









***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon