Buhay Estudyante

103 9 1
                                    

Dedicated to tfxifyoudontmind. Thanks for voting ATNM (LDR).













Buhay Estudyante

by: composmentisgirl





Gumigising ng maaga, upang di-mahuli sa eskwela
Nagpapaka-flash upang makapasok ng maaga
Ngunit dahil sa mabagal ang usad ng kalsada
Ang resulta? Ayun late ka pa rin sa eskwela





Pumapasok sa eskwela upang matuto
Hindi hinihingan ng papel, sagot at gawing uto-uto
Pumapasok sa eskwela upang matuto
Umuuwi ng puno ng pasa at baldado





Nakikinig sa guro upang may matututunan
Nakikinig sa guro upang may malaman
Tango ng tango kahit walang naintindihan
At may "Yes Ma'am, I understand." pang nalalaman





Sa eskwela nakakapagod
Mga leksyon naglalakbay sa utak mo na parang uod
Mga tanong sa exam pawang sa utak mo'y gustong sumugod
Kaya minsan ika'y tumatakas at tumatalon sa mga bakod





Nakakapagod talaga
Lalo na pag may exams ika'y natataranta
Mga projects na nakakalula
Mga performances na ang dadaya






Dumadating sa punto na gusto mo ng sumuko
Dumadating sa punto na pagod ka na matuto
Nakakamatay ang mga tukso
Lalong-lalo na ang larong Clash Of Clans at DOTA 2





Sabi nila, importante raw mag-aral
Ang makatanggap ng diploma ay isa na raw parangal
Kaya kahit na ito'y medyo nakakasakal
Sa hinaharap ay nagbibigay ito ng nakasisiyang dangal








***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now