Paasa Ka

46 4 11
                                    

Paasa Ka

by: composmentisgirl

Requested by  Jallen Klee Gabin


Alam mo bang paasa ka?
Nagsasabi ka ng mga bagay na akala ko totoo, yun pala bola.
Gumagawa ka ng mga kilos na akala ko tunay, trip mo lang pala.
Pinapadama mo saking mahal mo ko, yun pala may gusto kang iba.

Ano yun?
Yung pagmamahal mo sa kaniya itinuon mo sakin dahil siya may boyfriend na?
Alam mo?
Nakakagago ka!

Pagmahal mo siya, MAHAL MO SIYA!
Hindi yung nandadamay ka pa ng iba!
Magpapa-fall ka na nga lang sa isang tulad ko pa...
Sa isang tulad ko pang mabilis mahulog at masaktan, GAGO KA!

Ano bang tingin mo sakin ha?
Isang taong manhid at walang pandama?
Yung sa bawat pagyakap mo, parang wala lang malisya?
Yung sa bawat pag-aalala mo, hindi ako naaapektuhan ha?

Hindi ako laruan na kapag ayaw mo na, basta mo na lang iiwan.
Hindi ako messenger na kapag wala ka ng ka-chat, basta ka na lang mag-o-ofline.
Hindi ako basura na itinatapon lang sa kung saan-saan.
At lalong hindi ako emergency number, na tinatawagan mo lang 'pag may kailangan.

Ano nga bang meron satin?
Oo.
May namumuong pag-ibig, pero hindi ito isang mutual understanding.
Alam mo kung bakit?
Dahil sating dalawa, ako lang naman yung nagmamahal at umiibig.

One-sided Love?
Matatawag nga ba itong one-sided love, kung wala namang tayo?
Wala namang ikaw at ako?

Maihahalintulad kita kay Caina...
At ako naman si Meizuo.
Ngiti ka ng ngiti 'pag kasama ako...
Pero ang totoo, si Terrence lang ang laman ng puso't - isipan mo.

Para tayong si Xiaogeng at Ximen.
Na kung kailan hulog na hulog nako at handa ng umamin...
Tsaka mo lang ipamumukha na kaibigan lang ang tingin mo sakin.

Akala ko pareho tayo ng pakiramdam.
Pero langhiya!
Wala ka naman pala talagang pakialam!

Nagsimula ito sa simpleng wave mo.
Hanggang sa nasundan ng "Hi!" at "Hello!"
Umabot sa "Kumusta naman love life mo?"
At dumating sa puntong, "Sige ingat. Love you!"

Ang masakit lang walang letter "I"
Ibig sabihin hindi ikaw ang nagbigay.
Ibig sabihin yung nararamdaman mo hindi tunay.
Ibig sabihin wala lang ako sa yung buhay.

Mga text messages na akala mo isang nag-aalalang nobyo.
Mga mabulaklak na salita na sakto sa tulad kung uto-uto.
Mga regalong animo'y para sa isang anibersaryo.
Mga pag-aaruga mo na akala ko bukal sa iyong puso.

Isang araw ay umamin ka.
Akala ko sasabihin mong "Mahal din kita."
Pero nagkamali ako.
Dahil ang sinabi mo, "Pustahan lang yun, pasensya na."

Lang?
PUSTAHAN LANG?
Laro lang pala para sayo ang lahat?!
Pinaasa mo na nga 'ko, di pa ba yun sapat?!

Masakit!
Masakit amining ako'y parte ng isang walang kwentang plano.
Masakit dahil akala ko lahat ng yun totoo.

Masakit!
Dahil isinugal ko ang sarili ko...
Sa pagmamahalang ako ang taya at ako ang talo.











***





AN: My first Spoken Word Poetry.✍ (Ug na spoken poetry bud kaha?😂) With matching Meteor Garden feels pa.😂

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora