Bitiw Na, Bitawan Mo Na Siya

43 3 0
                                    

Requested by Karyl Jane Delos Reyes

Bitiw Na, Bitawan Mo Na Siya

by: composmentisgirl

Alisin mo na ang kamay mo sa palad niya
Luwagan mo na ang mga bisig mong nakayakap sa kaniya
Hayaan mo siyang tumakbo papunta sa iba
Hayaan mo siyang umalis at maging masaya

Mga alaala'y itatago na lang
Mga alaalang hindi mabilang-bilang
Mga alaalang sayo'y naging kulang
Mga alaalang sa hinaharap ay muli kong isisilang

Palalayain na kita
Kalilimutan ko nang mayroong tayong dalawa
Ibabaon ang mga pangakong, naglahong parang bula
Lilisanin ang lugar kung saan puso'y naging isa

Ako'y magpapakumbaba
Ako'y magpapaubaya
Hihilahin pababa ang lobong nagsilbing pag-asa
Ititigil ko na ang kahibangang nagturo saking maging masaya

Hindi na ipipilit kay tadhana
Hindi na magmamakaawa kay bathala
Kung ito nga sa atin ang nakatakda
Hindi na babaguhin ang propesiya

Bibitawan na kita
Kasabay nang pagbitaw ko sa pagmamahal mong fake news lang pala
Itutuloy ang buhay na nakagisnan na
Sasabay sa agos ng dagat at mga luha

Pakakawalan na kita
Kakalagan na ang pusong sayo'y nakatali pa
Puputulin ang koneksiyong namamagitan sating dalawa
Ngingiti kahit kalungkutan ang kislap ng mga mata

Susubukan kong maging matatag
Gagawin ang lahat upang isipa'y mapanatag
Buong pusong kalilimutan ang tulad mong dilag
'Di ka na iisipin kahit may mga bagabag

Ako'y magpapaalam na
Ibubulong na lang sa hangin ang 'di masabing salita
Isusulat na lang sa tubig ang naudlot nating kabanata
Susunugin na lang sa apoy ang larawan ng ating malungkot na pagsasama

Ihahanda ang sarili sa parating na pagsubok
Iaahon ang sarili mula sa pagkakalugmok
Lalabas na sa pinagtataguang sulok
Ang ating kuwento ay bibigyan na ng tuldok

Sa pagsilip ng buwan sa bintana
Sa pagkatok ng bituin saking mga mata
Matatanaw ang iba't-ibang planeta
Ngingiti kasabay ng mga tala

***






AN: 😌

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora