Author's Note:
I just want to say thank you for all the readers dahil nag-spent talaga kayo ng time para basahin ang mga tula ko. Kahit hindi man ganun kagandahan ay binabasa parin ninyo. So thank you very much.
-Dedicated to ThonyMij. Thank you voting Ang Tula Ni Maria (LDR)-
Friends List
by: composmentisgirl
Sa ilang bilyong tao sa buong mundo
Hindi talaga mawawala ang mga taong loko-loko
Mga taong isinasali ka sa iba't-ibang gulo
At mga mga taong minsa'y masamang impluwensiya sa iyoAlam mo ba kung sino ang tinutukoy ko?
Ayun at nadali mo!
Sino pa nga ba ang ipinahihiwatig ko?
Walang iba kundi ang mga kaibigan moSa ilang libong katangian ng mga tao
Natural na taglay ito ng isa sa mga kaibigan mo
Halina't basahin ang binuo kong tula para sayo
Narito ang sampung klase ng kaibigan na nakapalibot sayoUna, ay yung kaibigan mong palabiro
Yung palagi na lang tumatawa at hindi nagse-seryoso
Yung kahit anong bagay nabibigyan nila ng biro
Pero 'wag kayo! Dahil sa likod ng mga nakakatawang biro, nagtatago ang malungkot na pagkataoPangalawa naman ay yung mga artista
Kahit kunting asaran lang ayun umiiyak na
Yung kahit waley yung joke ayun ang lakas ng tawa
Yung kahit nasasaktan na sila nakukuha parin nilang magpanggap na masayaPangatlo naman ay yung matatalino
Yung mga taong antataas ng mga grado
Yung mga taong bihira masangkot sa gulo
Yung mga taong kahit pagod na mag-aral ay gusto parin matutoAng pang-apat naman ay yung maiingay
Yung bunganga nila lagi nilang kaagapay
Yung sa lakas ng boses nila gusto mo na silang ipapatay
Pero intindihin niyo na lang sila guys, gusto lang nila ng karamayPanglima ay yung mga chismosa
Yung lahat na lang ng impormasyon alam nila
Kahit umagang-umaga dada ng dada
Pero aminin niyo, kundi dahil sa kanila 'di tayo magiging updated diba?Ang pang-anim naman ay yung mga maldita
Yung kahit walang ginagawa yung tao inaaway nila
Ito rin yung suki sa guidance office at sa sermon ng mga magulang nila
Pero kahit na maldita sila, lumuluha rin yan pag sila na lang mag-isaPangpito ay yung mga baliw
Yung mga taong yung utak puro agiw
Sila rin yung taong nagbibigay ng aliw
Pero minsan sa sobrang hirap ng buhay, gusto na nilang bumitiwAng pangwalo naman ay yung mga feelingera
Diyos ko, lahat na lang ng koreano asawa nila
Lahat na lang ng wattpad characters asawa rin nila
Bes pakisabi sa kaniya ha, alamin niya sana ang totoo sa pantasyaPangsiyam ay yung mga bitter
Naku! Favorite line nila "Walang Poreber!"
O 'di kaya "Maghihiwalay din kayo, in the name of my power!"
Bes pakitanong sa kaniya, kailan ba siya magiging better?Pangsampu ay yung mga hokage
Yung ang bilis-bilis manchansing sa mga babae
Yung pag-exam "Pre asan ka?", "Dito muna ko kay ano, matalino eh."
Kung gusto niyong umasenso, pre mag-aral ka ng mabutiSa mga kaibigan niyo sa mundong ito
Sa mga kaibigang nagmamahal sa inyo ng totoo
Sila sana ay mahalin at pagkaingatan ninyo
'Pagkat mahirap makahanap ng kaibigang katulad nila mismo
***
![](https://img.wattpad.com/cover/136733159-288-k984599.jpg)
YOU ARE READING
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...