Ako'y isang musmos
Biniyayaan ng pagmamahal na umaapaw at hindi nauubos
Isang butong nagsisimula pang sumibol
Sa hardin ng mapait at masalimuot na tagsibolIkaw ang nagpamulat sa kasadlakan ng kasalukuyan
Ang nagpaintindi sa kasawian ng nakaraan
Ang nagpagising sa kahihinatnan ng hinaharap
Ang naging haligi upang matupad aking mga pangarapSalamat, sa walang sawang pag-aaruga
Salamat, sa pagbibigay ng direksyon, kung ito ba'y mali o kung ito ba'y tama
Salamat, dahil hanggang ngayon ako'y patuloy na nabubuhay
Salamat, sa buong pusong gabay at pag-alalayIkaw ang nagbibigay ilaw sa madilim naming tahanan
Ang nagbibigay lakas sa tuwing sasapit ang kahinaan
Ikaw ang ugat ng aking tagumapay
Na sa pagdating ng panahon ay aking ibabalik at muli kong ibibigay-composmentisgirl
***
AN: To my evil queen.😝
![](https://img.wattpad.com/cover/136733159-288-k984599.jpg)
YOU ARE READING
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...