Requested by Rayboy Abing
Friend Zone
by: composmentisgirl
Tuwing nalulungkot ka
Andiyan ako upang pasiyahin ka
Tuwing nagagalit ka
Andiyan ako upang pakalmahin kaLagi ka nalang galit sa boyfriend mo
Kesyo manloloko raw at babaero
Ikaw naman kasi, ako ang nasa tabi mo
Siya at siya pa rin ang hinahanap-hanap moBakit ba 'di mo ko mapansin?
Bakit ba 'Bestfriend' lang ang tingin mo sakin?
Lahat ng sakit kaya kung tiisin
Pagmamahal ko'y 'wag mo lang sanang balewalainMula pagkabata, magkasama na tayo
Alam ko lahat ng bagay na ayaw mo at gusto
Oo. 'Bestfriend' mo lang ako, inaamin ko
At dahil sa 'Bestfriend' na yan natatabunan ang tunay kong nararamdaman sayoNoong una binalewala ko lang
Sabi ko, "Crush lang naman kita, hanggang d'on lang."
Pero nabigo ako dahil inibig kita na walang kamuwang-muwang
At alam mo kung ano yung masakit? Yung katotohanan na sa puso mo wala akong puwangPara akong nabaliw nung nalaman kong may syota ka na
Masakit... Dahil 'di mo sinabi sakin at nalaman ko pa sa iba
Ganun ka ba talaga kamanhid? Na yung pagmamahal ko ay 'di mo madama?
Oo nga pala! 'Bestfriend' lang ang tingin mo sakin, ang tanga-tanga ko talagaNagseselos ako tuwing nag-a-i-love-you-han kayo
Yung puso ko wasak na wasak na, puno na ng dugo
Para akong na sa digmaan at pinaglalaban kung anong meron tayo
Pero naalala ko... 'Wala' pa lang 'tayo', dahil 'Bestfriend' mo lang 'ako.'Heto ako ngayon
Inaalala ang masasayang kahapon
At sana sa pagdaan ng panahon
Ma-realize mo ang pagmamahal ko na hindi mo binigyan ng pagkakataon***
(AN: Ahouch! Ang sakit... DIBA?!)
YOU ARE READING
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...