Ulan

40 6 0
                                    

Ulan

by: composmentisgirl





Kapag bumibigat ang ulap, bumubuhos ang ulan
Ang ulan na simbolo raw ng kalungkutan
Ang ulan na nagpapahiwatig ng kapighatian
At karamay ng mga taong luhaan





Sabi naman ng iba,
Pag-umulan dapat ka nang mangamba
Ang bagyo ay parating na, dapat ka nang maghanda
Ang kalunos-lunos na pangyayari ay magaganap na




Ulan ay biyaya rin kong ituring
Patak ng tubig ay kanila ng makakapiling
Mga alaala ng tagtuyot ay ililibing
Paghandaan ang pamumunga ng mga puno tulad ng saging





Tuwing umuulan naliliwanagan ang aking isipan
Nakakapag-isip ng mga gawaing kaya ng aking kakayahan
Naghahanap ng kalingang di ko mapangalanan
Nalulungkot at nasisiyahan sa 'di ko malamang kadahilanan




Ang ulan ay nakakabuti
Sa mga pananim ito ang nagpapangiti
Ang bitak-bitak na lupa ay babalik na sa dati
Bawat patak ay nagkakaroon ng importanteng silbi



Pero lahat ng sobra ay nakakasama
Ang sobrang ulan ay nagreresulta ng pagbaha
Ang ula'y wawasak ng mga inosenteng pamilya
Pamilyang dahil sa ulan ay nagdudusa




Biyaya man o hindi
Ulan ay dapat bigyan pa rin ng papuri
Buhay man nati'y hindi naging madali
Marami naman tayong natutunan dahil dito sa huli











***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now