Mártir

24 3 1
                                    

Mártir

by: composmentisgirl

Mahal, kamusta?
Alam mo miss na kita
Paggising ko kanina wala ka na
Hinintay kita magdamag pero ni anino mo 'di ko makita




Importante ba ang pinuntahan mo?
O, baka may iba ka na kaya ka nagtatago?
Nung una kasi sabi mo maghahanap ka lang ng trabaho
Yun pala naghahanap ka na ng ibang kamang magpapainit sayo



Pero kahit ganun pinatawad kita
Pinatawad kita kahit nagmumukha nakong tanga
Pinatawad kita...
Kahit ang sakit-sakit na




Tiniis ko lahat
Kasi diba yun naman yung dapat?
Kapag mahal mo ang isang tao, dapat marunong ka magpatawad
At sa lahat ng mga pangako, dapat marunong kang tumupad




Pero inulit mo!
Inulit mo ang pagkakamali mo
Naghanap ka na naman ng bago
Naghanap ka na naman ng ibang PUTAheng bago sa panlasa mo




Binigyan kita ng second chance
Siguro sa ka martyr'an' ko marami na 'kong fans
Nag- sorry, nangako, nagmakaawa ka ulit
Pinatawad naman kita, kahit sobra ng sakit




Ngunit wala ka na naman ngayon
Hindi ko alam kung inuulit mo na naman ba yung ginawa mo sakin noon
At alam mo 'pag nagkataon
Iiwanan na talaga kita at hindi na ko magpapakatanga tulad noon




Sabi nila, "Love is sweeter the second time around."
Sweet pa rin ba yun, kung hanggang ngayon isa pa rin akong rebound?!
Kaya pala hindi mo ko magawang seryosohin
Kasi in the first place, 'yang puso mo, hindi naman nakalaan para sakin




Magiging dakila kaya 'ko tulad ng Gomburza?
O, hahangtong ako sa kasawian tulad lang din nila?
Normal pa ba 'tong pag-ibig ko sayo?
O, baka naman ginayuma mo ko kaya baliw na baliw ako sayo?




Pero seryoso, umuwi ka na
Malapit nang gumabi baka maaksidente ka pa
Kakahanap mo ng iba baka sa bungi ka pa mapunta
At paalala lang ha, ang mga MARTYR na tulad ko ay hindi basta-bastang nakikita




***








AN: December na guys!😍 Happy 1.01k reads everyone!🎉 ('La lang. Masaya lang!😂)

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now