Pangarap at Imahinasyon
by: composmentisgirl
Bawat nilalang ay may gustong makamtan
Bawat nilalang ay may gustong maisakatuparan
Bawat nilalang ay may gustong patunayan
Bawat nilalang ay may gustong ipaglabanIniisip niya na sana siya'y sikat
Iniisip niya na sana ang buhay niya'y mas nakakaangat
Iniisip niya na sana sa kayamanan siya'y namulat
Iniisip niya na sana siya'y mas nakahihigit sa lahatLahat ng tao'y nangangarap
Lahat ng tao'y kasiyaha'y gustong malasap
Lahat ng tao'y sa lipuna'y gustong matanggap
Lahat ng tao'y gustong maramdaman na siya'y nasa alapaapMinsan ang tao'y nabubuhay sa imahinasyon
Minsan ang tao'y nabubuhay sa sakit ng kahapon
At sa pagdaan ng panahon
Kasalukuya'y bigyan sana ng atensiyon***
AN: Credits to Queenie Rubio for some rhyming words. Thanks.
YOU ARE READING
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...