Modern Warriors

43 5 0
                                    

Modern Warriors

by: composmentisgirl




May mga bayani ng nakaraan
Meron din namang bayani ng kasalukuyan
Noon sa mga mananakop sila'y nakipagsapalaran
Ngayon sa hirap ng buhay sila'y nakikipaglaban




Sila ang ating mga naging bayani
Mga bayaning nagmula sa iisang lahi
Mga bayaning nagmula sa iisang lipi
Mga bayaning buong-pusong inialay ang kanilang sarili



Hindi man baril ang hawak
Nagawa nila sa lipuna'y tumatak
Hindi rin sila gumagamit ng kalasag at itak
Ngunit nag-uugnay sa mga pusong nagkawatak-watak




Magbigay pugay sa mga manggagawa
Mapa-pulis man yan, sundalo o ano pa
Lakas ng loob at kasipagan ang kanilang naging sandata
Upang sa hamon ng buhay ay magkaroon ng pag-asa




Pamilya ang kanilang inspirasyon
Pagmamahal ang nagbigay ng didikasyon
Sa alon ng kahirapa'y gusto nilang umahon
At dahil sa pagpupursige'y nabigyan ng pagkakataon





Ngayo'y nakamit na natin ang kalayaan
Kalayaan na nagbigay satin ng mga karapatan
Karapatang lumaban sa katiwalian
Gamit ang pananalita at hindi dahas sa pakikipaglaban


Ang pagbubuwis ng buhay
Ay hindi nag-iisang patunay
Na sa pakikipaglaban sa kaaway
Ikaw ay maituturing na bayaning tunay


Minsan, ang katapata'y sapat na
Tulad na lang ng gawain ng mga manggagawa
Kung tapat ka sa trabahong ginagawa
Magtatagumpay ka sa lahat ng problema na makakasalamuha




***



AN: Aish. Ang sakit po talaga ng ulo ko. Sorry kung lame.🙏💕

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon