Ang Pagiging Matalino

253 16 2
                                    

-Dedicated to JeanAmigo . Thank you for voting Ang Tula Ni Maria (LDR).-


Ang Pagiging Matalino

by: composmentisgirl

Ang pagiging matalino
Isang katangiang hinahangaan ng mga tao
Kakayahang nabuo sa isang indibidwal mismo
Ngunit alam niyo ba ang nasa likod ng bawat mataas na grado?


Araw-araw nag-aaral para mapanatili ang magandang marka
Araw-araw gumigising ng maaga upang 'di mahuli sa eskwela
Araw-araw nakikinig sa guro makakuha lamang ng magandang resulta
Araw-araw nakikipag-kumpetensiya mapatunayan lang ang sarili sa iba


Sa likod ng matataas na marka
Ay ang takot na baka bumagsak sila
Araw-araw nakikipaglaban sa iba't-ibang asignatura
Kahit pagod na mag-aral ay pinipilit parin nila


Ayaw nilang biguin ang mga taong nagtiwala sa kanila
Sa bawat patimpalak na sinasalihan nila
Dala nila ang bandera ng paaralang pinapasukan nila
Kung manalo man sila sa pagsubok ay swerte na


Ngunit kung mabibigo man sila
Ay isa nang malaking sampal sa parte nila
Alam mo ba kung anong nasa isip nila?
"Ang bobo ko, ba't ko sinira ang tiwala nila."



Bilib ako sa matatalino, alam mo kung bakit?
Dahil kahit pagod na sila tinitiis nila ang pait
Dahil 'pag natalo sila tinitiis nila ang panglalait
At dahil lumalaban parin sila sa kabila ng pangmamaliit


Ang punto ng tulang ito
Ay sabihin,  na ang matatalino ay mayroon ding kaniya-kaniyang puso
Sila rin ay tao na hindi perpekto
Na nilikha ng Diyos upang mahalin at irespeto




***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now