Messenger

37 4 12
                                    

(Requested by Laurel)

Messenger

by: composmentisgirl


Chat.
Isang salitang 'di ko mawari,
Kung ikalulungkot ko ba? O ikagagalak?
Salitang nagbigay nang panandaliang saya,
At kalungkutang hindi pa humuhupa.

Messenger ang ating naging tagpuan
At chat ang nagsilbing ating daanan

Isa ka sa mga taong espesyal sa akin.
'Yung tipong 'pag naiisip kita, napapangiti na lamang ako bigla.
Hindi man ito 'sing lalim tulad ng pagmamahal ng iba,
Ngunit alam ko sa sarili ko, gusto na nga kita.

Kaya't ako'y nagbigay ng mensahe.
Simple, walang paligoy-ligoy, at straight to the point; "Hi"
Isang munting salita.
Animo'y isang epidemya na kumakalat, nambibiktima ng milyon-milyong tao sa mundo.
Bakit?
Kasi dito nagsisimula ang lahat.
Dahil sa simpleng salitang ito,
Maraming tao ang nagbabago.
Maraming buhay ang nawawasak.
Ngunit meron din namang umaasenso.
Umaasenso ba yung nakikipag-chat sa mga Arabo?

"Hello."
Sagot mo sa simpleng "Hi" ko.
At doon na nagsimula.
"BOOM!"
Animo'y may background music ng North Korea na nagpapasabog ng isang nuclear weapon.
Nagsimula na ang isang nobela.
Isang nobelang umiikot sa dalawang bida.
Ikaw at ako.
Oo. Mayroong tayo.
Ngunit ako lang ang nakakaalam.

Sumunod na ang mga salitang, angkop ba sa magkakaibigan lamang?
O sa mga taong mayroong parehong nararamdaman?
MU ika nga.
Mga salitang napapalibutan ng mga langgam, keso at mais.
Mga salitang kasiyahan ang dala at hatid.
Mga salitang animo'y humahaplos.
Mga salitang nagpapakilig sa'kin ng lubos.
Paano nga ba tayo dumating sa puntong ito?
Kung kamustahan, biruan, at kulitan lamang ang ating naging instrumento?

Sa tuwing makikita ang bilog na luntian sa 'yong larawan,
Parang nakikipagkarera ang puso sa kasabikang nararamdaman.
Mapupunan na naman ang ating mga alaala.
Mga alaalang sa messenger lang makikita.
Mga alaalang sa messenger lang madadama.

Hindi ko man nakikita ang iyong reaksyon,
Sa bawat mensaheng lulan ang aking mga ideya't konklusyon.
Ako'y umaasa.
Na sa bawat letrang aking tinitipa,
Napapangiti, napapasaya, napapamangha, at napapatawa man lang kita.
Umaasa ako na sa bawat mensaheng ibinibigay ko,
Mayroong tumatak at nanatili man lang sa isipa't puso mo.
Na kahit dumaan man ang mga panahon,
Maaalala mong may isang ako, na nagbibigay sayo ng buong pusong atensiyon.

Ngunit tulad nga ng isang nobela,
Hindi puwedeng puro lang ligaya at saya,
Dapat mayroon ding pait, lungkot, at pagdurusa.
At dumating na nga ang kuwento sa gitna ng istorya,
Ang parte kung saan haharapin ng bida ang lahat ng problema.
Doon ko nalaman.
Meron ka pa lang nobyo, ba't 'di mo 'ko binalaan?
Ba't 'di mo'ko sinabihan?

Sana noong una pa lang sinabi mo na.
Sana noong una pa lang pinaramdam mo na wala na 'kong pag-asa.
Sana noong una pa lang walang ng tamis.
Sana noong una pa lang hindi ka na nag-send ng emoji na naka-kiss.
Tapos meron pang heart emoticon.
Tuwang-tuwa naman ako 'pag lumalabas yung mga puso sa screen ng aking cellphone.
Ganun kita kagusto na nagmumukha nakong tanga kapipigil sa mga pusong lumilipad na tila mga ibon.

Akala ko iba ka.
Akala ko hindi ka katulad nila.
Pero tangina! Paasa ka rin pala!
Ano? Masaya bang paglaruan ako, ha?
Anong feeling na gusto kita?
Tapos ikaw may mahal palang iba?
Hindi ka lang paasa, manhid ka pa.
Pinapadama ko na sa mga mensahe kong gusto kita,
Pero bakit 'di mo magawang umamin na ang puso mo ay hawak na ng iba?

Masakit.
Dahil ang istorya natin ay 'di tulad ng iba.
Hindi pala natin,
Kasi one-sided love lang ang namamagitan sa'tin.
Gusto kita, habang mahal mo sya.
Isang katotohanang hindi na mababago pa.
Walang "happy ending."
Walang "and they lived happily ever after."
Tragic.
Iyang ang genre'ng nababagay sa istorya natin.
ENDING LANG. WALANG HAPPY.
Mayroong wakas,
Ngunit walang anumang kaligayahan ang mababakas.






***







AN: Happy New Year Everyone!🎉

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now