Seen Zone

47 9 1
                                    

Requested by ElleisojAuhsoj







Dedicated to ThonyMij. Thank you for voting ATNM(TOTGA).







Seen Zone

by: composmentisgirl


Sa ilalim ng liwanag ng buwan
Ako'y prenteng nakaupo sa isang upuan
Pinagmasdan mga tala sa kalangitan
Naghihintay sa iyong sagot mula sa aking katanungan


Tatlum-pong minuto na ang nakalipas
Ngunit ang aking tingin sa kompyuter ay hindi ko parin iniiwas
Isang oras na ang nakalipas
At mukhang ako'y nadapuan ng isang matinding malas


Binuksan ang messenger upang kumustahin ka
Pag sa personal kasi, walang nagsasalita ni isa
Kaya nung nakita kung online ka
Agad kang chinat upang kumustahin ka


Tinanong kita, "Mahal kumusta ka na?"
"Pasensya na 'di kita pinapansin alam mo namang mahiyain ako, diba?"
"Ikaw kasi eh, pag magkasama tayo di ka rin naman nagsasalita."
"Kaya mag chat na lang tayo para makausap natin ang isa't-isa."


Madalas akong maghintay sa reply mo
Sa chat na nga lang tayo nag-uusap dahil sa personal inii-snob mo ko
Umaabot nang hating gabi malaman lang ang sagot mo
Tapos ang makikita ko lang ay isang capital 'K' na nanggaling sayo.


Biglang tumulo ang luha ko sa sinagot mo
Antaas ng sinabi ko tas 'K' lang ang isasagot mo?
Masakit pero iintindihin ko
Baka busy ka lang kaya 'yun ang naisagot mo


Araw-araw kitang chinachat
Ginawa ko naman lahat-lahat
Pero sa tingin ko lahat ng yun ay hindi sapat
Dahil ikaw sa akin ay hindi naging tapat


Ang relasyon natin ay umabot ng isang taon
Patuloy parin kitang chinachat kahit nagkaganon
Himala nga hindi ka na nagrereply ng 'K' sa chat natin ngayon
Na siyang nagpatigil sa aking malawak na imahinasyon


Literal na wala kang itinugon
Ang nakikita ko lang sa screen ay isang malaking 'SEEN 12:59 P.M' na nagpatigil sa aking sirkulasyon
Ito pala yung tinatawag nilang SEEN ZONE

Masakit pala...
Masakit palang balewalain at hindi bigyan ng atensiyon,
Lalo na ng taong mahal mo na nagbigay sa iyo ng inspirasyon



***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon