Hanggang Kailan?

55 9 0
                                    

Requested by Jeiyden Ibarra Belodo




Dedicated to tfxifyoudontmind. Thanks for following.








Hanggang Kailan?

by: composmentisgirl





Hanggang kailan ko makakalimutan
Ang ligaya ng ating nakaraan?
Hanggang kailan ko makakalimutan
Ang sakit na aking naranasan?




Hanggang kailan ko matututunan
Ang aral sa aking pinagdaanan?
Hanggang kailan ko matututunan
Ang hindi sumuko sa ano mang laban?




Hanggang kailan ako magpapakatanga
Sa mga pangakong walang natupad ni isa?
Hanggang kailan ako magpapakatanga
Sa isang bagay na alam kong limot mo na?




Hanggang kailan ko ikukulong
Ang masakit na katotohanang iyong binulong?
Hanggang kailan ko ikukulong
Ang aking sarili sa mga tanikalang umuugong?




Hanggang kailan ko matatanggap
Na ika'y kumawala na sa aking mahigpit na pagkakayakap?
Hanggang kailan ko matatanggap
Na ang simoy ng iyong pagmamahal ay hindi ko na malanghap?




Hanggang kailan ba ko magiging ganito?
Bakit ba hindi ko matanggap ang totoo?
Hanggang kailan ko maitatago
Ang lungkot sa mga mata ko?




Hanggang kailan ba ko magtatanong?
Hanggang kailan titigil ang kapalaran ko sa paggulong?
Hanggang kailan ba ko tutungtong
Sa mga kasinungalingang iyong pinagpatong-patong?




Hanggang kailan ba ko aasa?
Hanggang kailan ko ibabaon ang katotohanang wala ka na?
Hanggang kailan ba ko iiyak ng mag-isa?
Hanggang kailan ko maitatatak sa isip na ika'y may mahal ng iba?



***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon