When School Year Ends

99 14 1
                                    

(Requested by Karyl Jane Delos Reyes)

-Dedicated to JeanAmigo. Thank you for voting Ang Tula Ni Maria(Bata)-

When School Year Ends

by: composmentisgirl

Parating na naman ang buwan ng Marso
Ang buwan kung saan tayo'y muling magkakalayo
Pero kaibigan 'wag mo sanang kalimutan ang mga pangako
Pangakong iniingatan ko sa aking puso

Kaibigan, malapit na matapos ang pasukan
Kaya alaala nati'y iyo sanang pagkaingatan
Sapagkat hindi iyon makakalimutan
Nang aking puso't isipan

Ang ating mga di-malilimutang tawanan
Ang ating pagiging "die-hard fan"
Ang ating 'di kumukupas na kagandahan
At ang ating mga nakakapikon na asaran

At mawawala pa ba?
Ang mala "ninja" nating pangongopya?
Eh, yung biro nating malalamya?
Lalo na yung pang-aaway natin sa tao pag ayaw natin sa kaniya

Naaalala mo rin ba?
Nung minsang inaway kita?
Tapos kahit anong sorry mo lagi ko lang binabalewala?
Nagka-boyfriend ka lang kasi iniwan mo na 'ko bigla-bigla

At bago ko pa makaligtaan
Nung hindi ako pumasa sa exam
Sabi mo kasi "A" yung sagot yun pala "B"; Aray naman!
Sana sinabi mo na lang na hindi mo alam

At makakalimutan ko pa ba?
Nung minsang tinawag tayo ng titser ta's ini-snob lang natin siya?
Ang tatamad kasi natin nun kaya kahit anong utos hindi natin ginagawa
Kaya ayon, yung grade natin mas lalong bumaba

Kaibigan, lahat ng yun ay 'wag mo sanang kalimutan
Sapagkat ako ang iyong sandigan sa ano mang laban
Magkahiwalay man tayo ng section o paaralan sa susunod na pasukan
Huwag kang mag-alala... Dahil hinding-hindi kita kakalimutan



***

Author's Note:

PLEASE DON'T PLAGIARIZE. KUNG MAY PLANONG MAG-SHARE MAKE SURE NA MAGBIBIGAY NG CREDITS SA AUTHOR. MAGBIGAY PO NG RESPETO SAPAGKAT PINAGHIRAPAN PO ITO NG MAY-AKDA.

Truly yours,
Ate CM

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now