7 - TimeZero

244 7 0
                                    

Nagchat sa groupchat ang kaklase ko nung highschool na magcecelebrate daw sya ng birthday sa isang sikat na club mamayang gabi. Invited daw kaming lahat. Sa halos isang dekada naming paghihiwalay, buhay parin ang gc namin. Ibang klase kasi talaga ang mga classmate at barkada mo noong high school. 

At dahil mabait akong kaibigan ay pumunta ako. Hindi namin classmate si Jonnah pero dahil magkasanggang dikit kami ay naging kaibigan rin nila ito na pati siya ay nasa gc namin. Babygirl ang turing nila kay Jonnah dahil mas matanda kami rito. 

Jonnah:
Anong suot mo?

Tanong nya sa akin ng alas sais ng gabi. Tapos na akong magprepare at chinecheck nalang ang mukha ko sa salamin.

Me:
Secret :)))

Jonnah:
Gaga.

Nakasuot ako ng pulang cropped tube at skinny jeans. Hindi ako mahilig magdress kapag nagka-club dahil hassle kasi hindi ako makagalaw ng maayos. Okay naman tong ganito, maganda parin naman tingnan sa akin.

Jonnah:
Sunduin kita ha.

Me:
Sure :)

Kapag nagpaparty kasi kami, malakas akong uminom kaya hindi ako nagdadala ng sasakyan. Si Jonnah ay patikim tikim lang ng mga nakahandang inumin pero hindi naglalasing kaya sya nag-uuwi sa akin.

Palibahasa, walang trabaho at hindi stress sa life. Anong rason niya para maglasing? Wala. Kumpleto naman ang pamilya niya, may jowa siyang gwapo at mahal siya, marami siyang pera kahit di nagt-trabaho.

Pinarada nya ang Porsche sa harap ko at agad akong pumasok.

"Ba't ang tagal mo?" Bungad ko sa kanya. Isang oras lang naman ako naghintay. Nung sinabi nyang susunduin nya ako ay akala ko parating na sya.

"Sorry naman, hinanap ko yung pares ng stilettos ko eh."

"Wow, akala ko sa bahay na ako magpaparty sa tagal mo eh."

Nakarating kami ng 7:30PM. Sabi ni Chelsea agahan daw namin para may time kami para magchika.

"Hi guuuuys!" Bungad ni Chelsea at isa isa kaming bineso.

Tiningnan ko ang suot nya at kinunot ang noo. Naka puting long dress sya na kita ang tiyan.

"Mago-Oscar Awards ka ba?" Tanong ko.

Akala ko ba party ang pupuntahan namin at ganyan ang suot nya? Sobrang out of place ha.

"Baliw, walang basagan ng trip. " sabi nya at tinuro ang table naming magkaklase. Bente daw kaming lahat kaya tatlong round table ang pinareserve nya. Gastos nya naman lahat kaya okay lang, "Tara. Madaming foods dun. Hindi ka naman diet, miss, ano?" Tiningnan nya ang katawan ko.

Umiling ako. Hindi naman ako magda-diet, hindi rin kasi ako malakas kumain. At break ko naman sa modeling. At marami akong time para mag-gym.

Nagkwentuhan kaming lahat at napapatingin ang ibang tao sa sobrang ingay namin. May mga umiinom na kahit alas otso palang ng gabi.

"Kasi naman, mali nga kasi yung solution ni ma'am sa board!" Sabi ni Larah, ang kaklase kong sobrang talino na nang-aalaska ng teacher kapag may mali.

"Bobo, bakit mo kasi tinanong kung nagmasteral ba sya? Nabagsak ka tuloy."

"Tss. Totoo naman. Math teacher ba yun? Wala akong natutunan sa kanya, mas okay pa kung ako nalang nagturo sa inyo!"

Inasar namin sya sa sobrang kayabangan.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now