8 - Business Proposal

247 5 0
                                    

A week after the celebration, naging boring ang buhay ko. Routine ko na ang pagpunta sa bahay ni Jonnah at pagma-mall kahit mag-isa ako. Ako lang rin mag-isa sa bahay at nababaliw ako sa katahimikan doon kaya umaalis talaga ako. 

Binubwisit ko rin sila Myra baka sakaling may mangyari sa buhay ko kaso wala talaga. 

Minsan dumadalaw ako sa hotel para makasagap ng ganap. May mga events na nakareserved at busy ang hotel. Ako lang ang hindi.

Ife-feature din ito sa isang advertisement kaya nagtriple kayod ang mga employee ko. Nagiisip nga ako kung pwede ay dagdagan ng mga magtatrabaho kahit ngayong nga panahon na busy kami.

"Wala kang plano?" Tanong ko kay Jonnah pagtapos kong uminom sa frappe. Nasa starbucks kami ngayon at nagchichill lang dahil bored.

"Luh? Matanda na ako para dun." Sagot nya at inikot ang mga mata.

Konti lang ang tao sa starbucks. Dalawang matanda, isang teenager, at kami ni Jonnah.

"Birthday mo. Hindi naman masamang magcelebrate." Sagot ko. Mag-23 na kasi sya this May pero wala daw sya sa mood para magcelebrate.

"Ayoko gumastos."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi sya at tinawanan sya ng malakas, "Seryoso ka ba?"

Ayaw daw nya gumastos? Wow. Nakakagulat yun ha. Hindi, as in never sya nagipon, or inayawan ang gumastos lalo na para sa sarili nya. Money down agad kahit wala syang kainin kaya nagulat ako sa sinabi nya.

"Baliw. " Inikot nya ulit ang mata at tinuon ang pansin sa pagtetext.

Napansin kong may diin ang tipa nya at nakakunot ang noo. Nakapout din ang mga labi. Kinunotan ko sya ng noo.

"May kaaway ka ba?" Ang bilis nya kasi magtext!

Matagal bago nya ako sinagot dahil nakatuon ang pansin nya sa katext. May kaworld war ata.

Dinuro nya ang Iphone X, "Papatayin na kita." At pinandilatan ang cellphone.

Ano bang problema nito? Parang baliw. 

"Bakit ba kasi?"

"E, kasi! Nabubwisit ako kay Brent. "

Pinakita nya sa akin ang away nilang dalawa ni Brent at halos malula ako sa mga mura at madaming paragraph na nakikita ko. Yung tipong ang sinulat nila ay kwento sa sobrang haba ng text at reply pero yung totoo nagaaway sila. Sobrang lakas at lutong pa ng mga mura at exclamation points.

Jonnah:
Sinungaling ka! Umalis ka kagabi nang di nagpapaalam akala mo di ko malalaman? May mga spy ako sayo, sinasabi ko sayo. Ipapapatay kita. Nakakabwisit kana. 

Brent

Ano ba! Hindi nga ako umalis kagabi. Kanina ka pa Jonnah ha.

Jonnah:

Wag mo akong lokohin! Hindi ka nagrereply kagabi! Tapos nung nagreply kana, sasabihin mong matutulog kana? 

Brent:

Alam mo, kung ayaw mong maniwala, edi wag! Hindi kita pinipilit kasi totoo naman ang sinasabi ko sa'yo. Desisyon kong pagdudahan ako.

Nagulat ako nang marinig si Jonnah na humikbi. Ganito sila mag-away. Murahan at sigawan. Yung tipong kahit hindi malala ang pinagawayan, pero kapag galit, kulang nalang magbatuhan sila.

"Palagi nalang kami nagaaway..." Pinunasan nya ang luhang tumulo. Hindi naman kami napapansin dahil nasa dulo kami.

Naaawa ko siyang tiningnan, di alam ang gagawin. Ako ang kasama ni Brent kagabi. Nagikot lang kami sa downtown buong oras na magkasama kami kasi pinilit ko siya. 

Steal You (YouSeries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon