32 - Dense

169 4 0
                                    

"Cass..." Sabi ko.

Malakas na pumitik ang puso ko sa kaba nang makita silang magkasama sa pintuan. Base sa reaksyon nilang dalawa ay nakikinita kong may namumuong ideya sa utak ni Cass.

"Oh hey, Trace!" Awkward na bati ni Trish.

Nanatili kaming magkatitigan. Nananantya kung sino ang unang magsasalita. Ramdam na ramdam ko ang pumupulsog tensyon na umiikot sa sala.

"I will just get you a... drink." Dahan dahan syang tumayo at umalis. Alam naming hindi na sya babalik.

"Why were you with him?" Tanong nya. Ang tabas ng dila nya ay nagpapahiwatig na parang napagtaksilan sya.

Hindi ako nagsalita. Kita ko ang galit sa mga mata nya. Siguro iba na ang nararamdaman nya kay Trace para umakto sya ng ganito. Though hindi naman naging malalim ang pagsasama nila para mamuhi sya sa akin.

Alam nya naman na ayaw sa kanya ni Trace, diba? Kaya ang cold nito sa kanya at nagsisinungaling, malaking sign na yun na ayaw sa kanya ng tao.

"What the fuck, Vienna!"

"What the fuck, Vienna?" Yun ang lumabas sa bibig ni Jonnah matapos maproseso ang lahat.

Nanatili akong tuod na nakatayo sa sink habang pinapanuod ang reaksyon nila. Umiling si tita na parang disappointed sya sa akin ngunit halata din ang disgutso sa mukha.

Si Jonnah naman ay namula ang mukha, siguro sa galit or pagpipigil ng luha. Siguro both. Humigpit ang hawak nya sa telang hawak habang nanginginig ang mga kamay.

Ramdam na ramdam ko ang galit nya kahit ilang metro ang layo nya sa akin. Ramdam ko ang sari saring emosyon na sobrang nagpakaba sa akin.

I saw the same scenario two years ago. Nang kinompronta ako ni Jonnah dahil nalaman nya ang tinatagong relasyon namin ni Brent. Nang pinagsalitaan nya ako ng masama at minura sa harap ng nanay at boyfriend nya. Nang umabot kami sa sahig sa pakikipagbuno at nanood lang sila kung paano kami magsampalan at sabunutan.

Sumakit ang puso ko sa naalala. Nanginig ang labi sa takot at kaba. Nanatiling masama ang tingin ni Cass sa akin habang may concern sa mukha ni Trace.

Mawawalan nanaman ba ako ng kaibigan? At ang paulit ulit na rason ay dahil sa lalake?

"Calm down, Cass. You don't know anything." Panghihinahon ni Trace.

"You're right! I don't know anything. My own friend broke the brocode of our friendship!" Nanlisik ang mga mata nya, "You know I liked him! I liked him first!"

"Calm down, Cass. They might hear you."

Sumisigaw kasi sya at baka marinig kami nila Sisa sa itaas. Hindi ko alam kung kumpleto ba sila dito pero sana namang walang makarinig. Ayokong may madamay pang iba.

"Calm down?!" Imbes na kumalma ay sumigaw pa sya, "You hooked up with my guy!"

My guy.

"Don't see it that way. Nothing happened between us." Pageexplain ko.

Hindi naman sila. Bakit inaangkin nya si Trace? Mukhang nalilito rin ang isang to sa gagawin dahil galit na galit si Cass at di nya ata alam kung sino ang lalapitan. Dehadong dehado ako kasi hindi ko masabi kung bakit kami magkasama kagabi nang hindi nakukwento kung bakit at paano kami magkakilala, naging close at kung paano nya ako inalagaan nung brokenhearted ako sa pananakit sa akin ni Brent at Jonnah.

Sinabi ko na, ayokong may makaalam nang madumi kong sikreto dito. Ayokong mag-iba ang tingin nila sa akin. Hindi nakakatuwa para sa akin ang mang-agaw ng boyfriend ng bestfriend mo. Yun na ata ang pinakamalaking kasalanan na nagawa ko sa buong buhay ko.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now