22 - Airplane

230 7 0
                                    

Tatlong araw ang lumipas at halos wala akong maramdam sa mga nangyayari sa paligid ko. Nagmukmok lang ako sa bahay at ang secretary ko na ang bahala sa updates na kailangan kong malaman sa hotel. Sya na rin ang inuutusan ko sa mga dapat gawin dahil wala ako sa sarili para lumabas ng bahay at magpakita sa mga tao.

Siguro ang pangit ko ngayon, last time na chineck ko ang sarili ko sa salamin ay may dalawang maleta sa ilalim ng mga mata ko at feeling ko hindi ko kilala ang sarili ko.

Hindi ko nga alam kung nakakaligo ba ako ng tama. Basta, wala akong maramdaman. Wala akong matandaan. Para lang akong naglalakad na may mukha, dugo, puso at katawan. Pero walang silbi.

Tatlong araw akong walang ibang ginawa kundi gawing tubig ang luha at ulam ang uhog. Kulang nalang pati dugo lumabas na sa butas sa mukha ko. Sa dami siguro ng nailabas kong tubig made-dehydrate ako.

Kung hindi naman ako iiyak ay nagiisip ako. At ang pagiisip ay nagreresulta sa pagiyak dahil sa mga naiisip ko.

Kung pageexercise lang ang pagiyak malamang ang payat ko na.

"Ate, tumawag si sir Trace. Pupunta daw sya mamayang hapon kasi hindi nya maiwan ang hotel ngayon." Sabi ni Tereza sa labas ng kwarto ko.

Hindi ko sya sinagot kaya malamang ay umalis na sya matapos ang ilang segundo. Si Trace.

Ang babysitter kong si Trace na walang ibang ginawa kundi patahanin ako kapag nakikita akong umiiyak. Nagaalaga sya sa katulad kong brokenhearted at ngawa ng ngawa.

Kaya minsan nakakahiya na ang sobrang pagkaconcern nya sa akin. Hindi ko sya tinanong kailanman sa sobrang concern nya dahil ayokong mali ang isipin nya sa akin.

Sa sobrang pagaalaga nya sa akin ay naf-frustrate ako sa sarili ko. Hindi ko ba kayang alagaan ang sarili ko? Bakit ba ako dumidepende sa ibang tao? Hindi ko naman kailangan si Trace.

Pero willingly syang pumupunta dito.

Pero kahit na! May sariling buhay ang tao kaya bakit sya nagtitiis sa katulad ko, di ba? Ang improvement lang na nagawa ko sa tatlong araw ay wag ipakita sa kanya na nahihirapan ako sa sarili ko.

Kapag nandyan sya ay todo ngiti ako na para akong si Pennywise. Para matigil na sya at maisip nyang okay na ako, di na nya ako kailangan alagaan.

Kaso hindi, bumabalik at bumabalik sya.

Gustuhin ko mang nandito sya para may kasama ako at hindi malunod sa naiiisip, hindi ako ganun kaselfish para pabayaan syang alagaan ako na parang bata.

Kaya gumawa ako ng desisyon.

"Sure, baby. I'll pick you at the airport and arrange your old room. " Sagot ni Jaja sa kabilang linya.

Sa makalawa ay aalis ako para pumunta ng Spain. After a week ay aalis nanaman ako patungo sa Paris para doon ipagpatuloy ang career ko. Babalik ako sa pagmomodel.

"Vienna!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig na boses sa ibaba. Nagayos ako ng buhok at naglagay ng concealer sa ilalim ng mga mata. Nagliptint din ako para hindi mahalata ang pamumutla.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan para salubungin si Trace. Pero hindi pala sya ang dumating kaya bumagal ang lakad ko.

"Raf."

Nakatingala sya sa akin at tinamaan ako ng kaba. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya or kung ano ang nasa isip nya. Bakit sya nandito?

Nagkaharap kaming dalawa at walang nagsalita. Parang magtitimbangan lang.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now