36 - The Ring

205 4 0
                                    

Kung sana ganun lang kadali magapologize sa kamaliang nagawa mo, dati ko pa sana nagawa yun. Kung sana ilang sorry at ilang yakap lang ang katapat ng ilang buwang pagtataksil, sana dati ko pa nagawa yun. Kung sana hindi lang ganun kabigat ang atmosphere kung hihingi ka ng tawad, sana dati ko pa nagawa.

Kaso hindi. Alam kong hindi simpleng sorry at yakap lang ang dapat kong gawin para mapatawad ako. Hindi simpleng kamustahan para makalimutan ang nangyari.

Hindi yun ganun kadali kaya nakakaduwag. Nakakatakot. Kasi alam kong may posibilidad parin na baka di nya ako tanggapin at patuloy na kamuhian, bagay na di ko kayang tanggapin

Kaya ngayon, kinakain ako ng konsensya dahil hindi ako sapat para maging mabuting bestfriend, na hindi ko kayang magsorry dahil sa pangaagaw.

Sana pala hinayaan ko nalang sila dati, hindi katumbas ni Brent ang mga kaibigang nawala ko dahil sa tinatago namin. Sana pala hindi ko hinayaang pangunahan ng emosyon.

Edi sana, nasa Pilipinas parin ako ngayon at nakikisaya sa mga kaibigan ko. Edi sana, wala akong takot at bigat na dinadala kahit dito sa Paris, kahit na sobrang kasikatan at pera ang natatanggap ko.

"Vien...?" Sumilip sa kwarto ko ang ulo ni Trish, "Someone's downstairs."

Kumunot ang noo ko, "Who?" Di naman ako nageexpect ng bisita. Dalawang araw na nga ako di nakakalabas ng bahay.

"See for yourself." Saka nya sinarado.

Di na ako nagabalang magayos bago bumaba. Tumayo lang ako sa kama at dumiretso sa sala kung saan naghihintay ang bisita ko.

Nasa hagdanan palang ako nang mapatigil sa paglalakad. Nakaupo sa sofa namin, ay si Trace. Panay ang sulyap sa kanya ng mga models at mukhang di sya apektado.

Dahan dahan akong umapak pababa at sinalubong sya. Inangat nya ang tingin mula sa trackpants kong suot at maluwag na tshirt. Ngumiti sya. Napansin ko naman ang paperbag sa tabi nya.

"I brought you food." Tumayo sya at inabot sa akin iyon.

Awkward akong ngumiti dahil sa kahihiyan. Nararamdaman ko ang sulyap ng mga models na nasa kusina.

Napakamot ako sa likod ng ulo, "You don't have to do this."

"It's okay. Hindi lang naman ikaw ang nililigawan ko." Minuwertsa nya ng tingin ang mga nasa kusina.

"Ligaw? What ligaw are you talking about?" Bulalas ko. Narinig ko namang tumawa si Sisa. Nang lingunin namin ang direksyon nila ay agaran silang umiwas ng tingin.

"You know what I mean."

Pinigilan kong ngumisi, "Really? That's.... that's very chivalrous."

Hindi ba sya aware na 21st century na ngayon at hindi na uso ang ligaw? Pero nakakakilig kung iisipin. Sobrang nakakakilig na naghuhuramentado ang puso ko.

"I know."

"Hindi pagbibigay ng pagkain ang pinunta mo dito, no?" Panunukso ko.

Nagkamot sya ng ulo, "Well, yeah. Para naman masanay sila sa mukha ko."

Muntik mawala ang ngisi sa mukha ko dahil sa sagot nya. Iba kasi ang nasa isip ko. Akala ko pa naman namiss nya ako kaya sya bumisita. Para pala sa kanila.

"Anyway, I'll go now."

Tumango lang ako. Nagdadalawang isip pa syang humakbang. Napataas naman ang kilay ko. Hindi ko na sya hinatid pa pababa.

Pagharap ko sa kusina ay nakita ko silang nakangisi, "What?" Tanong ko.

Nagkibit balikat sila, "Nothing."

Steal You (YouSeries #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora