43 - Disappearance

201 3 0
                                    

Me:
Goodmorning Trace. Don't miss ur breakfast :) loveu <3

"The bitch came home late last night I had to wait for her!" Reklamo ni Trish.

Tumawa sila, "Let her be. It's her first time having a boyfriend." Sabi ni Karen.

"It's not my first time!" Sigaw ko.

"You act like it is!" Sigaw pabalik ni Cass.

Nagtawanan kami. Naputol lang ang tawa ko dahil biglang nagring ang phone na nasa tabi ko. Binaba ko ang mug na may lamang gatas at kinuha ang phone.

Jaja calling...

Hay nako. Ano nanaman kayang nangyari? At hindi pa sya sa messenger tumawag, a.

Inexcuse ko muna ang sarili at pumunta sa kwarto bago sagutin ang tawag. Ang ingay kasi nila.

"Vienna!" Sigaw nya pagsagot ko palang ng tawag, "What the fuck happened to you? Are you alright?!" Sigaw nya sa kabilang dulo na kailangan ko pa ilayo ang telepono.

"Woah, Jaja. I'm fine. What's wrong with you?"

"Me?! What's wrong with me?!" Sigaw nya ulit na kahit hindi ako nakaspeaker ay paniguradong maririnig ko sya, "I am asking about you!"

Sinubukan kong tumawa, "What? Nothing happened."

"Don't lie to me, Vienna! The news has spread all over France!"

Kumunot ang noo ko, "What news?" Kinakabahan kong tanong.

May issue nanaman ba about sa akin? Bakit hindi ko alam? Kaya ba pinagtitinginan kami ng mga tao sa restaurant kagabi? Mygod, ano nanamang nagawa ko?!

"Your boyfriend has been harassing you!"

"What?!" Sigaw ko, "Do not accuse my boyfriend, Jaja. Trace is a good person. Why would he harass me?" Mahinahon kong tanong.

"Vienna, please stop lying. There are proofs spreading. Tell me the truth, we can do something about this, baby."

"Jaja, I'm telling you the truth! Trace is not harassing me. Where did you get that information?"

"Really? But what are these pics?"

Kumunot ang noo ko at binabaan sya. Bakit naman may kakalat na balita na sinasaktan ako ni Trace? Sino ba nagkalat noon? Hindi ba nila alam na napaka imposible na gawin nya sa akin yun?

Binuksan ko ang chrome at sinearch ang pangalan naming dalawa. May mga articles agad na lumabas at naginit ang ulo ko sa mga nabasa.

Alleged boyfriend of Ms. Vienna Jackson, Trace Villas, to be sued for harassment.

Vienna Jackson has been mistreated by her own boyfriend.

Vienna Jackson was seen with bruises on her face.

What the hell? Ano to? Kumabog ang dibdib ko sa mga pictures na nakita. Picture iyon nang nagaaway kami ni Trace sa club. Hindi masyadong kita ang mukha ko lalo na't gabi na pero kilalang kilala ang mukha ni Trace. At halata pa na nagaaway kami.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now