37 - Rumors

222 6 1
                                    

"Basic coffee? Really? Can you teach me?" Tanong ko at humilig sa counter.

Tuturuan nya raw akong gumawa ng kape. Basic lang naman para may alam ako. Ako nanaman ngayon ang nakatambay sa bahay nya. Miss ko na kasing pumunta dito at sya palagi ang bumibisita sa akin sa apartment. Nakakahiya rin sa kanya dahil baka nauubos ang pera nya. Halos araw araw ba namang bumisita at nagdadala ng pagkain sa mga kaibigan ko.

Yung mga babaeng yun din, di nahihiya. Ako ang naiiyak para sa wallet ni Trace dahil sa dami nang ginagastos niya sa 'panliligaw' sa'kin.

Nasa late twenties na ako pero feel ko high school ako dahil sa panliligaw na ginagawa ni Trace.

"Sure. Madali lang naman." May kinuha sya sa ilalim ng counter. Mga powders.

Umikot ako para pumunta sa gilid nya. Naginit muna kami ng tubig at pinrepare ang mga gagamitin.

"Since newbie ka, I will teach you the easy and safest way to make a macchiato."

"First, we will make a frothed milk. We will pour a good amount of milk powder into a bottle." Then nilagyan nya ng mainit na tubig ang bottle hanggang sa gitna, "and shake it so bubbles can form at the top."

"Then, we will mix the same amount of espresso coffee in the bottle."

Napakunot ang noo ko, "Yun lang?"

Tumawa sya, "Why? How do you expect it to be?"

"Akala ko may special pa silang ginagawa gaya ng pag-a add ng kung anong spices."

"That's another story."

"Really? You can make a coffee out of spices?"

"Of course. But I don't think you'll like the flavor."

Nagkibit balikat ako, "What else can you teach me? Pwede yung mas mahirap?"

"Mocha."

Tumango ako. Tinabi nya sa ref ang bottle na may macchiato at nagsimula akong turuan uli ng Mocha.

Nilagay nya sa pan ang isang bar ng chocolate at hineat. Tapos ay gumawa nanaman sya ng steamed milk at espresso. Nang matunaw na ang chocolate ay nilagay nya ang maliit na portion nito sa isang bottle at hinaluan na ng steamed milk at espresso.

"I have a question. What's the difference of steamed milk and frothed milk?" Tanong ko at sumipsip sa mocha na nasa bote.

"Frothed is when you shake the milk so it can create bubbles and will look like a capuccino. It even tastes different. While Steamed is, just heated milk."

"Oh." Tumango tango ako, "You learned a lot after running away from home, huh."

Ngumisi sya, "So much."

Dahil may lakad ako ng alas tres ay hinatid ako ni Trace sa agency's building. Doon raw kami magkikita ng secretary ng clothing brand kung saan magkasama kami ni Jerik. May announcement daw kasi. Hindi ko alam kung ano.

Malayo palang kami sa building ay may nakikita na akong media na nagkalat sa entrance. Nagkakaguluhan sila at parang may sinisilip sa glass door.

Nang mamataan ang sasakyan ay agad silang lumingon at nagsitakbuhan papunta sa direksyon namin. Nagulat naman ako. Bakit may media?

"What's happening?" Tanong ni Trace na halatang naguguluhan sa nangyayari.

"I don't know."

Maya maya lang ay dumating ang security at hinarangan ang sasakyan. Tinanggal ko ang seatbelt at nilingon si Trace.

Steal You (YouSeries #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant