12 - Annoyingly

208 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ni Brent at tumatama sa mga mata ko. Pumikit ako ng mariin bago dumilat.

Kumunot ang noo ko dahil wala pala ako sa kwarto. At sobrang sakit ng katawan ko na feeling ko binugbog ako ng sampung goons.

Hindi ako nakapagstretch dahil feeling ko matatanggal ang mga galamay ko.

Agaran ang pagngiti ko dahil sa naalalang ginawa namin ni Brent kagabi. May nangyari sa amin ni Brent! 

Ang worth it ng sakit ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin ni Brent kagabi. Sobrang saya ko na kahit siguro may mangyaring di maganda sa akin ng isang taon ay okay lang.

Tinry kong bumangon kahit ang sakit ng katawan ko at tiningnan ang wall clock. 9:27AM na. Naligo ako at sinuot ang malaking tshirt ni Brent at boxers.

Wala si Brent kaya nagtaka ako. Kahit nung bumaba ako sa sala at pumunta sa kusina ay wala rin sya. Wala din syang iniwan na note or text sa akin.

Nagkibit balikat ako at napagdesisyunan syang ipagluto. Habang nagluluto ng scrambled egg with hotdog ay kumakagat ako sa sandwich kong may tuna spread.

Nagprito rin ako ng bacon at pancake. Alam kong heavy magbreakfast si Brent dahil busy at lalake sya kaya marami akong niluto.

Nagh-hum pa ako ng paboritong kanta habang nagluluto. Sana naman ay naprove ko na ang sarili ko kay Brent kagabi. May nangyari sa kanila ni Jonnah, ganun din sa'min. Sana malinaw sa kanya ang saya na kaya kong ipadama sa kaniya kung pipiliin niya lang ako. 

Nagprepare ako ng table nya. Sakto namang tumunog ang cellphone ko.

Trace calling. . .

Napaismid ako. Naalala kong may meeting pala ako ngayon kasama si Trace sa tinatayong bagong building.

Isang bagay na nalaman ko kay Trace ay sobrang punctual nya. Kahit kailan ay hindi sya nalate sa mga meeting or observation sa site. At naiinis sya kapag may nalelate na construction worker or kahit sino.

"Hello." Sagot ko. Tapos naman ako sa ginagawa ko at sinusuot ko na ang heels ko. Sobrang awkward dahil nakapambahay ako pero nakaheels. Wala kasi akong tsinelas dito.

"Where are you?"

At parati nya akong hinahanap a few minutes bago magsimula ang observation. Kailangan ay nandoon ako sa site para makapag observe din ng ginagagawa ng mga nagt-trabaho.

"On my way."

Ayokong aminin na wala ako sa at hindi pa ako nakakaagbihis. Okay lang naman na malate ako dahil nago-observe lang naman ako para ayusin nila ang trabaho nila at may insight ako kung paano ginawa ang building.

Ewan ko lang kung bakit hinahanap nya ako na para bang ako ang architect nya.

Nakarating ako sa bahay ng 11:12AM at alam kong late na ako ng labindalawang minuto kaya kumain ako ng mabilisan. Nagbihis ako ng denim pants, puting tube top at denim jacket.

Naglagay din ako ng waterproof light makeup. Pinrepare ko rin ang mga extra kong damit, makeup kit, wipes, calamansi juice and sunglasses.

Narinig kong nagring ulit ang phone ko na nakapatong sa passenger's seat. Kanina pa iyon tumutunog pero hindi ko lang sinasagot. Alam ko kasing siya lang ang tumatawag at naghahanap sa'kin.

Pero dahil nainis ako sa ingay habang nagd-drive ay dinampot ko iyon at sinagot.

"Where are you?"

"Sorry. Natraffic ako, e." Pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay mabilis ang takbo ko.

"Are you kidding me? Walang traffic na daanan papunta sa hotel mo."

Steal You (YouSeries #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن