20 - Trace Villas

290 5 0
                                    

Hindi ko namalayang umalis si Trace ng lunch time dahil nakatulog na ako sa kama matapos nyang dalhin doon. Sinabi nalang sa akin ni Tereza na umalis na si Trace paggising ko.

Namamaga ang mga mata ko at hirap akong makakita dahil sumasakit ito sa liwanag. Nagsuot ako ng glasses para na rin hindi mahalata ni Tereza na umiyak ako.

Dahil sa sobrang katahimikan ng buong bahay ay nanlulumo ako. Wala akong makausap ng matino kaya sobrang hinanap ko ang presensya ni Trace.

Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon. Hindi ako natulog, nanood lang ako ng tv or nagbasa. Pero walang pumapasok sa utak ko kaya tumihaya ako at maraming bagay na agad ang naisip ko.

Wala akong natatanggap na text kahit sa mga kaibigan ko. Wala. Walang nangamusta sa lagay ko. Kung okay lang ba ako or malala ba ang naging sugat ko sa away namin ni Jonnah.

Maya maya ay tumunog ang phone ko. Hindi ko sana sasagutin pero nakita ko kung sino ang caller ID kaya gumapang ako at inabot ito sa bedside table.

"H-hello?"

"Hello. Kumain ka na?" Malalim ang boses sa kabilang linya.

"Yeah. Where are you?"

"Brent's condo. Just got even."

Kinabahan ako sa sinabi nya. Got even? Anong ginawa nya?

"What? What did you do, Trace?"

Tumawa sya bahagya, "I'll go there. I'm on my way."

Inend nya ang call bago ako makapagprotesta. Anong ibig nyang sabihin sa got even?

Matapos ang ilang minuto ay nakarinig ako ng doorbell. Alam kong si Tereza ang nagbukas ng gate dahil narinig ko.

Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa akin ang itsura ni Trace na magulo ang suot na puting long sleeve at may marka ng. . . dugo?

"What happened to you?" Gumapang ako pababa sa kama at pinuntahan sya. Sinipat ko ang mukha at katawan nya. Wala namang sugat.

Anong ginawa nya sa condo ni Brent? Bakit may dugo sa shirt nya?

"Binugbog ko sya. " Diretsahan nyang sabi na parang confident pa sya, na parang sobrang ganda ng ginawa nya.

"Bakit?" Mahina kong bulong.

"Because he destroyed you. And you don't deserve that. So I beat him up because he deserves it." Pinakita nya ang kamaong namamaga at may dugo rin.

Hinawakan ko ang kamao nya at hinaplos yun. Naluluha nanaman ako. Ang iyakin ko naman. Dapat thankful ako kasi ginawa nya yun para sa akin, pero nasasaktan ako sa di ko malamang dahilan.

Tumulo ang mga luha ko sa kamao nya. Nawala ang pagkakafist nito. Hinawakan nya ang kamay ko at nanatili akong nakayuko habang umiiyak.

Ayoko na talaga.

Inangat nya ang mukha ko at tiningnan ako ng malamlam. Maraming emosyon sa mga mata nya na hindi ko mahulaan.

"Don't let other men destroy you, Vienna. " Sabi nya.

Tumango ako.

"You are brave, powerful and beautiful. Don't let them destroy that. "

Tumango ako ulit habang lumulukot ang mukha sa mga naririnig sa bibig nya. Sobrang nasasaktan at nat-touch ako sa mga naririnig ko.

"Promise me."

Tumango ako at niyakap sya.

I am so grateful na nandito sya para damayan ako. Kahit wala man sila Myra, hindi ko naman nafeel na nagiisa ako dahil sa presensya nya.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now