28 - Coffee

193 6 0
                                    

Yung next time na pinagusapan namin ni Trace ay hindi nangyari. Naging busy kami parehas sa career namin kaya nagtetext nalang kami kapag may time.

Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya sa susunod dahil mukhang naubusan na kami ng topic. Topic na kung saan hindi pwedeng banggitin si Jonnah at iba pa naming kaibigan sa Pilipinas. Hindi pa ako handang makarinig ng balita o kwento tungkol sa kanila.

Alam ko kasing kapag paguusapan namin sila ay palaging marerelate ang pananakit ko sa kanila. Kaya huwag nalang. Ayokong masaktan ko rin uli ang sarili ko dahil sinaktan ko sila.

Mahirap man tanggapin, mapupunta sa wala ang dalawang dekadang pagsasamaham namin dahil sa nagawa ko. Hindi ako pwedeng humarap sa kanya at humingi ng tawad, hindi na ako umaasang matatanggap pa nya ako uli. Sa dami dami ng taong pwedeng trumaydor sa kanya, ay ako pa.

Kaya alam kong masakit na masakit para sa kanya yun at hindi magiging sapat kahit ilang taon pa akong humingi ng tawad sa kanya. Mabait man sya, pero iba parin magalit ang mabait.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin ng CR. Gumagala ako ngayon ng magisa dahil nabobored na ako sa bahay at wala akong maimbitang samahan ako.

Bibili nalang ako ng konting groceries para sa apartment at sa sarili ko. Lumabas ako ng cr.

"Ouch!" Hinimas ko ang ilong nang may mabanggang pader.

Pader?

Hindi naman ako bulag o tanga para dumiretso sa pader kaya inangat ko ang tingin at nakita ang nakangising si Jerik sa akin.

"Hey." Bati nya.

Lumayo ako ng konti, "Heeeeey." Hinihimas ko parin ang ilong ko "That hurts."

"Sorry. I haven't noticed you since you're kind of. . . small." Ngumiti sya.

Tumawa ako, "You're kidding, right?"

Matangkad ako, sadyang mas matangkad lang sya sa akin dahil lalake sya at buff. Ang sakit pa ng ilong ko na tumama sa matigas nyang dibdib. Mukhang grabe magwork out ang isang to.

"Nope. Nope." Kita ko ang humor sa mga mata nya kaya ngumisi ako at tumango tango nalang.

"Anyway, who are you with? Are you alone?"

"Uh. No. I'm with--"

"Honey!"

Sabay kaming lumingon sa likod kung saan nanggaling ang boses. Dumaan sa gilid ko ang maliit na babae na nakatube at pants. Sa liit nya ay mapagkakamalan syang highschool o college.

Wait.

"But nobody knows who his girlfriend is!"

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Jaja nung kakakilala palang namin ni Jerik. Wala raw nakakakilala kung sino ang girlfriend nya.

Ayoko naman maging judgmental pero mukhang estudyante ang babaeng kasama nya at honey pa ang tawag. Yun ba ang dahilan kung bakit walang nakakakilala sa kanya ay dahil sikreto ang relationship nila? Sa pagkakaalam ko kasi ay bawal ang student-teacher affair.

Sinubukan kong ngumiti sa babae para itago ang mga naiisip ko. Awkward din syang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging ngiwi ang labas o nahihiya sya.

Dahil mukhang naging awkward na ang sitwasyon namin ay nagsalita ako, "Anyways, nice bumping on you here. I gotta go." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at kumaway.

Kumaway rin sila kaya tumalikod na ako at umalis. Cute naman at mukhang mabait yung babae kaya siguro nagustuhan ni Jerik. Hindi na ako mangj-judge dahil buhay naman nila yun at wala akong alam sa mga nangyayari.

Steal You (YouSeries #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang