19 - The End

302 5 0
                                    

A/N: So magc-clear nanaman ako ng isang bagay dito. Si Raffy, Myra, Jonnah, ate Jennah at Trace ay magpipinsan. Si Trace, Raffy, Jonnah at Jennah ang magkakapatid.  While si Myra ay pinsan lang nila at so far ay wala naman akong nabanggit na kapatid nya.

AT... Si Fred po ay pinsan nila pero hindi sila magkapatid ni Myra.

At si Vienna ULIT ay kaibigan lang po. Hindi sya related kahit kanino sa pamilya nila Jonnah.

~♡~

"What are we going to do now?" Wala sa sarili kong tanong habang nakaupo sa couch ni Brent.

Naka on ang flatscreen, maayos at malinis ang buong bahay pero kabaliktaran ang nangyayari sa kaloob looban ko. Wala ako sa tamang disposisyon para lumabas ng condo.

Ilang minuto kaming nakaupo lang at walang imikan. Flatscreen lang ang nagsisilbing ingay sa buong bahay.

"Nothing. Why? What do you expect us to do?" Bumaling sya sa akin.

Nagkibit balikat ako, "At least we should have a plan for ourselves."

Hypocrite.

Kahit ako, ay walang plano. Di ko alam ang gagawin sa sarili ko gayong nagkasira sira na ang mga tao sa paligid ko. Ano bang magagwa ko? Ano bang dapat kong gawin?

"Do you want a comeback? " Tumawa sya kahit walang humor. "Gusto mong ipagpatuloy natin tong kahibangan natin?"

Kung pwede lang.

Kaso hindi na, e. Ayoko na. Hindi na pwede. Napapagod na akong magtago sa likod ng kurtina. Napapagod na akong magpanggap na hindi nasasaktan sa ginagawa nila ni Jonnah. Nakakapagod takbuhan ang konsensya. Nakakapagod maglihim.

Nakakapagod.

Akalain mo yun, nasa isip ko dati na magkakaibigan naman kami at baka patawarin pa nila ako sa ginawa ko, pero ngayon sobrang imposible nang mangyari nun.

Sa maling paraan kami nagsimula ni Brent, so magiging mali rin ang katapusan namin. At yun na ang nangyayari ngayon, nagkasira sira na kami.

Umiling ako, "No."

Naging proud ako sa sarili ko ng ilang segundo. No? Umayaw ako sa kanya na ngayon ko lang nagawa. Naging plano ko pa noon na agawin siya dahil sa lakas ng tama ng alak.

"Ayaw mo na?" Gulat nyang tanong.

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka, "Pagod na ako, Brent. Tingin mo kakayanin ko pa to? Kakayanin pa natin? Isipin mo nga."

Napapikit pikit sya, "Anong ayaw mo na, Vienna? Nandito na tayo, o! Wala na ang bestfriend mo, wala ng hadlang sa atin! Ngayon ka pa aayaw?"

Napatawa ako ng mahina. May napagtanto ako sa sinabi nya na sobrang nagpapait ng pakiramdaman ko.

"Wala na si Jonnah, kaya sa akin ka pupunta ngayon? Gago ka ba, Brent? "

Natahimik sya dahil sa sinabi ko. Mukhang tama ang sinabi ko. Talaga nga naman. Kaya nya kami pinatulan ni Jonnah ay dahil ayaw nyang maiwang magisa, kumbaga kapag hiniwalayan sya, may reserba pa sya para hindi sya magisa.

"I can't take you anymore. " Umiling ako at tumayo.

Sa pagtayo ko ay saktong bumukas ang pintuan ng condo nya at pumasok si Trace na madilim ang mukha at humihinga ng malalim. Paano sya nakapasok?

Wala sali salitang hinigit nya ang palapulsuhan ko at kinaladkad ako palabas ng condo.

"Saan mo sya dadalhin?" Sigaw ni Brent pagtapos biglaang tumayo.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now