35 - Apologize

185 3 0
                                    

Habang nagshoshoot nanaman kami nila Usher, Chris at Rick ay nahinto dahil sa kaguluhan sa set. May kumpol ng mga babae sa isang parte ng parking lot kung saan kami nagshoshoot. Hindi namin alam ang nangyari dahil busy kami nang mangyari yun. Hindi rin namin kilala kung sino ba ang nagaaway away.

Tiningnan ko ang pwesto ni Trace at nakitang wala sya doon. Bumalik ang tingin ko sa mga babaeng nagchicheer. Napailing ako at pumunta doon.

Pinagtutulak ko ang mga babaeng nakaharang sa daan ko para mapunta sa gitna. Nagulat ako sa nadatnan ko si Tati na nasa sahig at umiiyak habang hawak ang kamay. Nasa harap nya naman ang isang black american na nakahalukipkip at nakangisi sa kanya.

Mukhang alam ko na ang dahilan nito. Mahina akong napamura at hinanap si Rick. Nakita ko syang papunta dito. Agad syang dumalo sa tabi ni Tati.

"Hey, take care of your girl." Bulong ko sa kanya habang inaaalalayan nila Usher si Tati. Hawak parin nito ang kamay na namamaga.

"What did you do?" Harap ko sa babaeng di ko kilala. Nawala na ang ngisi sa labi nito.

"It is none of your business." Mariin nyang sabi.

Tumikwas ang kilay ko sa tono ng pananalita nya, "We can kick you off the shoot and it will still be none of my business, then?"

"Who are you?" Humakbang sya kaya suminghap ang mga babaeng nanonood, "You think you can kick me off? You are just an extra."

Gusto kong matawa. Gustong gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi nya. Siguro hindi sya nakikinig ng balita at nanonood ng tv. Mas wala siguro syang experience sa social media kesa sa akin.

Napangisi nalang ako at mahinang tumawa. Natatawa ako sa kabobohan nya, "If I am only an extra, what do you call yourself?"

May kamay na pumatong sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino at nakitang si Trace. Saan nanaman ba sya galing? Bakit parati syang nawawala?

"Enough of it." At saka ako hinila paalis.

"Slut!" Sigaw pa ng kaaway ko.

Ako sana ang haharap para bumwelta kaso nauna na si Trace. Humigpit ang hawak nya sa balikat ko.

"I don't hit girls, but you don't look like one. So if you say that again, I'll beat the living daylights out of you." Saka kami tumalikod.

I-announce ng director na tama nalang muna yung nashoot namin dahil biglang umalis si Rick. Plus, alas dos na ng madaling araw. Kailangan namin magpahinga.

"Why did you say that to her? That's so rude. And scary." Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa SUV.

"Sorry. I just got mad that she called you like that. You're not a slut." Hinimas nya ang braso ko, "Natakot ba kita?"

"A little bit."

Well, hindi konting takot yun. In fact, natakot talaga ako. Sa lamig at seryoso ng mga mata nya kanina na parang kaya nya talagang bugbugin yung babae.

Bakit ganun? Sweet naman sya, pero kapag nagagalit iba talaga ang lumalabas sa bibig nya. Especially sa ibang tao. Iba pala magalit ang mabait. Kita mo, gentle naman sya magsalita pero nung nagalit sya ay thinreaten nya pa yung kaaway ko kahit babae.

"I'm sorry." Binuksan nya ang pintuan at pinapasok ako, "Anyway, what happened in there? Bakit kayo nagaway?" Umupo sya sa tabi ko.

Bumuntong hininga ako, "It was about Tati. I dont know what happened to them but that girl was being a bitch. You know, like those highschool teenage queenbees? She acted like that earlier which boiled my blood so much I talked back. I did not exactly defended Tati, I just matched her bitchiness."

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now