34 - Work

160 4 0
                                    

A/N: Yes, Chris Brown, Usher, and Rick Ross are real people, but I just borrowed them to make my story more thrilling since everyone knows them. Their song 'New Flame' was famous. Pero hindi yun ang ginagawa nilang mv sa story ko. Again, this is all fiction. However Chris behaves in my story, will be in my story. Hindi ko po kilala at alam kung paano sya makitungo sa mga tao. Same goes for Usher and Rick.

Anyway, Tati is all made up. She's not Rick's girl or something. She was from my imagination.

Again, wala pong kinalaman ang personal nilang buhay sa story ko. This is mine, I just borrowed their names.

~♡~

Katabi ko nanamang natulog si Trace kagabi. At unfortunately ay hanggang sa matapos kami ay magiging roommate ko sya. Hindi naman ako nagrereklamo, nahihiya lang ako.

Akalain mo yun? Sa pagtulog pa ako nahiya, ni hindi nga ako nahiyang agawin si Brent dati.

Ngayon na ang umpisa ng shoot. Sa isang abandonadong building kami magshoshoot. Madami naman kaming model na mafifeature pero special daw ako dahil ang mga kinuha nila ay amateurs palang.

Hapon kami pumunta doon pagtapos namin maglunch. Kasama nanaman namin si Trace, dahil gusto nya raw ako samahan. Nakakahiya na nga, e. Buti nalang ay nakakasabay sya sa katuwaan nila Usher.

Maaga kaming nakarating sa venue. May mga models sa isang gilid na nakabikini o something na maiiksi ang mga suot na damit. Lahat sila ay lumingon sa amin habang bumababa sa SUV.

Ang iba sa kanila ay nagbulungan at impit na tumili. Di ko alam kung sino ang dahilan. Tinanggal ko ang shades at sinabit sa collar. Umakbay naman sa akin si Trace.

Mamaya pa raw kami magsisimula dahil sinesetup pa nila ang mga lights. Ako naman ay pinagbihis sa isang tent at inayusan. Habang minemakeupan ako ay pumasok si Trace.

"Hey. Why are you here?" Tanong ko. Sumulyap sa kanya ang artist mula sa salamin.

"Pinagkakaguluhan ako, e."

Kumunot ang noo ko at di sumagot. So isa pala sya sa mga dahilan kung bakit ganun ang reaksyon ng mga babae kanina. Malakas naman kasi ang appeal nya sa simpleng white longsleeve polo shirt na bukas ang dalawang butones at brown khaki pants. Malinis tingnan.

"Kinukulit ako." Sabi nya pa.

"Tapos nanghihingi ng number."

"Binigay mo?" Tumaas ang kilay ko.

Umiling sya at nagpigil ng ngisi. Kita ko naman ang amusement sa mga mata nya, "Almost."

"Okay."

"Tinatanong kung may girl--"

"Can you leave?" Tumigil sa pagaayos ng buhok ko ang artist dahil nilingon ko sya sa likod.

"Why? So they can swarm at me?" Ngumisi sya ng malapad.

Umangil ako at inirapan sya. Nanatili naman syang nakangisi at umupo sa reclining chair sa tabi nya. Pinanood nya akong ayusan mula sa salamin habang nilalaro ang labi.

Iniwas ko ang tingin. Naiinis ako sa kakulitan nya. Ano bang ginagawa nya dito? Ipagmayabang na pinagkaguluhan sya ng mga models? Hello? Baka nakakalimutan nyang model rin ako.

Model na nireject sya.

Tsk.

Umiinit tuloy ang ulo ko. Kung wala rin naman syang magandang gagawin, dun nalang sya at makipagusap sa mga babaeng nasa labas. Kahit ibigay nya pa ang number nya at maging textmate sila.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now