48 - Say My Name

467 6 1
                                    

Naalala ko pa kung paano ako uminom ng kalahating bote ng beer sa France at pinagalitan ni Jaja dahil bahagyang lumaki ang tiyan ko. Akala ko noon ay nago-overreact lang sya. Pero nung nakita ko kung paano ako nagmukhang 3 month old na buntis dahil sa baby bump, nagsisi ako.


Mygod, I swore that time na hindi na ako iinom dahil nadepress ako. Maliit pa iyon sa iba, pero para sa mga experts ay parang pinabayaan na ang katawan ko. Kaya ang saya saya ko ngayon kasi makakainom ako ng gin nang hindi macoconscious dahil may walk sa susunod na buwan. Susunugin ko talaga ang atay ko dahik ilang taon din akong liquor deprived.

 Ako pa ang naunang bumukas ng gin at pinuno ang baso. Hindi shot glass ang nilagyan ko kundi tall glass.

 "Huy, hinay hinay lang, Vienna!" Awat ni Raffy, "Para kang baliw."

Dinilaan ko sya at sumandal. Bumulong naman sa tabi ko si Trace, "Careful. Hindi ka mauubusan ng inumin." 

Ngumisi ako, "I know but namiss ko 'to."

Umiling sya, "crazy."

 Kahit walang chaser ay nangalahati ang baso ko. 

Tinawanan naman nila ako. "Please, don't laugh. My misery is not laughable!" Sabi ko.

 "Hindi ka man lang nakapaghintay ng chaser. Naghihiwa pa sila manang ng lemon." Sabi ni Myra.

 "Btch, chaser is for weak." At saka uminom.

 Dahil sa sinabi ko ay napalagok sila sa kanya kanyang baso kaya tumawa ako. "Hindi ka iinom?" Tanong ko kay Trace, "Come on, don't be a good shoes."

"Iinom ako pero hindi ako maglalasing." 

Tumaas ang kilay ko, "Well, I'm gonna get real drunk tonight." 

 Hinalikan nya ang buhok ko, "Sure. I'll be here anyway." Tumango ako. 

Naglaro kami ng uno habang umiinom. Nasa harap na ang chaser pero konti palang ang nababawas pero alam kong marami na kaming nainom. Nahihirapan na rin akong basahin ang mga numero dahil dim ang ilaw.

Ang consequence namin kapag natalo ka ay ibobottoms up mo ang tall glass na puno ng pinaghalong black label at gin. At si Trace ang natalo. Grabe pa ang tawa ko sa kanya dahil ang bobo nya maglaro. Si Trace ay may add four habang si Divina ay may chance na magchange cards. Kaya ayun, natalo parin sya.

 "Damn, this is gonna be bad." Bulong nya. 

 "Walang chaser, a!" Sigaw ni Fred. 

 Gumalaw sya sa inuupuan, "Let's try." At inabot ang inumin.

 Sumigaw kaming lahat ng nagsimula syang uminom. Kumunot ang noo nya dahil siguro sa pangit ng lasa pero hindi sya tumigil. Lumukot ang mukha ni Divina na parang nakikisimpatiya sa pait na nalalasahan ni Trace. 

 "O, bawal bawal!" Sigaw ni Jonnah, "Bawal yan! Dapat inumin mo talaga ng tuloy tuloy." Angal nya dahil akmang ihihiwalay ng huli ang labi sa baso. 

 Ngumisi naman ako. "Ayon!" Hiyaw namin ng maubos nya.

 Umiling iling sya at pumikit pikit, "Ugh! Ang pait." Reklamo nya.

 Pumalakpak ako. Umiikot na ang paningin ko at ang init ng tiyan ko. Kahit nakaupo ay feel ko nahuhulog ako. 

 "Uulit paba tayo?" Tanong ko. Kumuha ako ng barbecue at kumain. 

 "Teka, nasusuka ako." Sabi ni Divina. Sinamahan naman sya ni Raffy at sabay silang bumaba. 

"Trip to Israel tayo!" Sigaw ko.

 "Huh? Bobo ka ba? Trip to Canaan yon!" Sigaw pabalik ni Myra kaya nagtawanan kami. 

Steal You (YouSeries #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum