29 - Orphanage

185 6 0
                                    

"I'll pick you up at two." Sabi ni Trace sa kabilang linya habang ako naman ay nakatingin sa salamin at busy sa paglalagay ng eyeliner. Dahil sa focus na focus ako ay hindi ako nakapagsalita agad.

"Vienna?" Tawag nya.

"Hm." Yun lang ang sagot ko. Nakaloudspeaker kasi ang phone na nakapatong sa desk kaya naririnig ko sya.

"I said I'll pick you up at two."

"Sure." Sagot ko at binaba ang gel nang matapos "Yeah! Sure. I'll wait for you." Nagmamadali kong sagot kasi baka iend nya.

"Okay. See you."

"See you."

Tiningnan ko ang relos at nakitang thirty minutes nalang ang natitira para magalas dos. Tapos naman na ako at ang gagawin ko nalang ay hintayin sya.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Simple lang ang suot ko, white pants at black tube with coat at heels lang. Hindi ko nga sure kung dapat ba akong magdress dahil celebration ang pupuntahan ko at kasama ko pa si Trace. Halos isang oras akong tumunganga at naghanap ng pwedeng suotin.

Hanggang sa naisip ko, celebration lang naman to kasama ang mga bata. Ang naiba lang ay kasama ko na si Trace ngayon.

Bumaba ako sa kwarto at nadatnan si Sisa at Cass na nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie. Nagangat sila ng tingin ng makita ako.

"Pretty as ever." Kumento ng huli.

"Where you goin'?" Tanong ni Sisa.

"I'm gonna attend to my orphanage's anniversary celebration." Umupo ako sa tabi nila at nilagay sa gilid ang pouch.

Nanood kami ng tahimik hanggang sa biglang nagsalita si Sisa, "How are you and Trace?"

Muntik na akong manigas sa kinauupuan ko nang marinig ang pangalan nya. Hindi naman dapat ako affected kapag pinaguusapan nila sya pero ewan ko... para akong nagiging attentive at cautious everytime na maririnig ko ang pangalan nya.

Nagkibit balikat sya, "I dunno. He's the same as ever. Cold."

As ever? Akala ko nagkakamabutihan sila? Nanatili akong tahimik at nakinig nalang sa kanila kahit ang nga mata ko at nakatutok sa tv.

"I knew it!" Umupo sya, "He doesn't like you."

Umirap si Cass, "Hell yea, I know. You don't have to rub it in my face."

"Baka may girlfriend." Biglang lumabas sa bibig ko yun kahit alam kong si Sisa lang ang makakaintindi.

"What?" Naguguluhang tanong ni Cass.

Umiling si Sisa at tumawa, "Possibly. Gwapo, e."

"What did she say?"

"Vienna said he's taken."

Umiling ako, "Maybe. I-I don't know. I mean, who would dare to reject Cass, right?"

Kasi maganda naman sya, though aaminin kong hindi sya masyadong napapansin tuwing catwalk pero marami naman syang projects.

"Only Trace." Sagot ni Sisa.

Nang malapit nang magalas dos ay lumabas na ako. Baka kasi makita pa nila si Trace at matagal kaming makaalis. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang pamilyar nyang sasakyan na nagpapark.

Hindi naman sa nagiging selfish ako o masama ang ugali, ayoko lang na matagalan pa bago kami makaalis dahil alam kong chichikahin pa sya ni Cass. Mangungulit kung bakit ganito ganyan.

Binuksan nya ang pintuan ng passenger's seat sa loob kaya pumasok ako. Casual lang ang suot nya pero ang lakas na ng dating.

Pinaandar nya ang sasakyan at tahimik kaming bumyahe papunta sa orphanage. Medyo late kami dumating at nagsisimula na ang program.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now