25 - The Past Had Passed

254 4 0
                                    

A/N: Gusto ko na sanang ienglish ang part na to kasi nasa Paris na si Vienna kaso mawawalan ng consistency ang story ko. Kaya pasensya muna at baka hindi kayo makakuha ng makabagbag damdaming quotes dahil tagalog to :((

And btw, please inform me kung may typo o nalilito kayo dahil minsan tinatamad akong iproofread ang chaps.

~♡~

"You never told us about the guy who gave you this ring. " Tukoy ni Trish sa singsing na suot ko.

Ito ang singsing na binigay sa akin ni Brent nung kami pa at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatanggal sa daliri ko.

Akala nga nila nung unang beses nila tong nakita ay kinasal ako dahil sa palasingsingan nakasuot. Nagtampo pa sila dahil hindi ko raw sila ininvite.

"I bought this. " Pagsisinungaling ko.

Kung ano mang nangyari sa Pilipinas, ay sa Pilipinas nalang. Ayoko nang dalhin lahat ng sakit at disappointments ko dito sa Paris.

Pero itong singsing, ito ang hindi ko magawang kalimutan at bitawan. Kay Brent to galing, e. Ang mahal nito. At sobrang mahalaga to sa akin.

Alam ko at malinaw sa akin na naaawa lang sya kaya nya ako pinatulan. Pero naramdaman kong minahal nya rin ako, pinahalagahan nya rin ako kahit minsan. Kahit bilang bestfriend, kapatid, kasintahan o ano. Alam kong minahal nya ako.

At marami kaming pinagsamahan na hindi yun basta basta malilimutan ng kahit anong sakit. Mas mahaba ang oras na naging magkaibigan kami. Na naging magkaramay kami sa lahat ng bagay.

Hindi lang naman pagkawala ng boyfriend ang iniiyakan ko, dahil nawala rin sya, ang bestfriend ko. Though, dalawa sila ni Jonnah ang bestfriend ko pero pareho silang mahalaga.

At pareho ko silang nasaktan.

Kaya lumayo nalang ako dahil alam kong mas lalo silang masasaktan kapag makikita nila ako. Ako lang naman ang nakakapagbigay ng sakit sa kanila.

"Really? It's an infinity ring. Who buys that for herself?"

Tinupi ko ang damit at pinasok sa bag, "I do. " Sandali ko syang tiningnan bago sya nagkibit balikat.

"BUMISITA daw tayo sa coffee shop sabi ni Cass. " Sabi ni Sisa pagupo sa kama ko.

Umirap ako, "Bahay ba natin yun? She always stays there just to see that guy."

Hindi kasi nakita ni Cass ang owner nung sinabihan ko syang isama nya si Trish. Matapos nun ay araw araw na syang pumupunta doon para makita ang lalake. At araw araw naman syang nabibigo. Kung sinu sino pa ang sinasama nya sa pagpunta. Ngayon ay kami naman ni Sisa ang napagkadiskitahan nya.

"Let's just go. Wala naman tayong ibang gagawin. " Hinubad nya ang suot na pambahay at pumasok sa walk in.

"Ugggh!" Padabog akong tumayo at sinundan sya sa walk in closet. Hindi ko alam kung gusto ko bang mabored sa bahay o sa coffee shop.

Wala naman kaming ibang gagawin dun kundi umorder at maghintay. At hindi pa kami sure kung magpapakita ba ang lalake.

"Let's goooo!" Kinawit ni Cass ang braso nya sa aming dalawa ni Sisa at hinila kami palabas ng apartment.

Hiniram ni Trish ang sasakyan nya, Si Sisa naman ay hindi marunong gumamit at ako ay walang sasakyan kaya nagpara nalang kami ng cab papunta sa coffee shop dahil nakakapagod kung lalakarin namin.

Nang makarating kami ay hindi na gaanong punuan di gaya nung bagong bukas pa lang. Pero marami paring tao at mahaba ang linya. Kaya nakakadiscourage.

Steal You (YouSeries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon