24 - Paris

240 4 0
                                    

"Closer." Sabi ng photographer.

Sinunod ko ang sinabi nya at mas lumapit pa kay Cass. Kinuha kaming dalawa para magcover ng isang magazine at nandito kami sa studio.

Pareho kaming nakatwo piece pero magkaiba lang sa design. Kanya ay pink bra na may polka dot ribbon at pink panty na may white lace sa gilid. Ako naman ay naka animal printed na tiger sa bra at may black ribbon na nahuhulog sa ilalim. Ganun din ang design ng panty ko.

"Okay. Good!" Nagflash ang camera sa harap namin.

Dalawang taon na ang nakalipas nang makabalik ako sa pagmomodel. Dalawang taon na ang nakalipas nang umalis ako sa Pilipinas at iwan sila, hindi kahit kailanman nagpakita o humingi ng tawad. Dalawang taon na ang nakalipas nang nakapagdesisyon ako na kalimutan nalang. Na wag nang isipin ang lahat nang nangyari sa amin. Na hayaan nalang.

Naging malaking balita ang nangyaring pagbabalik ko sa Victoria Secret. Nagsilabasan ang maraming newspapers, magazine at news sa pagbabalik ko. Maraming fans ang nasiyahan dahil makikita na daw nila ulit akong maglakad sa catwalk.

Sikat na uli ako.

Busyng busy ako sa dalawang taon na nagdaan, lahat ng proposals ay tinatanggap ko na mas lalong nagpasabog ng kasikatan ko.

Dahil sa kasikatan na meron ako ay nagawa kong suportahan ang tatlong orphanage at isang home for the aged. Nakapagpagawa rin ako ng isang restaurant.

At natapos na ang building ko sa Pilipinas.

Last year lang natapos yun pero wala ako para sa ribbon cutting, hindi ako pumunta o bumisita man lang sa building na pinatayo.

Ang Vice President at si Papá ang nagpapatakbo nun ngayon kaya hindi ko kailangan mabahala. Nakikibalita naman ako at napagalaman kong sobrang daming costumers na pumupunta.

"Okay, we're done!"

"The famous Vienna Jackson is finally back after her two years of hiatus in catwalk! Let us call her to be with us, Vienna Jackson!"

Kasabay nang pagtawag sa akin ng host ay ang sigawan at palakpakan ng mga audience. Nag-guest ako sa isang show.

Pumasok ako sa stage all dressed up. Nakasuot ng high-waisted denim pants at tube. Nakaayos din ang buhok at makeup ako.

"Goodmorning, Miss Vienna. " Nakipagkamayan si Anton Reed sa akin.

Ngumiti ako ng malawak, "Goodmorning, Anton. "

Sa dalawang taong pamamalagi ko sa Paris noon ay hindi iyon naging sapat para tuluyang makapagsalita ng French.

Umupo kaming dalawa sa swivel chair. Napractice ko na ang sarili ko sa mga tanong na pwedeng ibato sa akin pero medyo kinakabahan ako. Ito ang unang beses after two years.

"Finally, you're back! What is your message to your fans after they've waited for two years! I'm sure they missed you. "

"Yeah, I just want to thank all of them for waiting for me. Thank you for staying as my fan even though I went gone for years. I appreciate you so much. "

"Did you miss catwalk? You know, walking on the stage and hearing the applause of people?"

"Of course, " Pagsisinungaling ko. Hindi ko namiss ang catwalk, pero hindi lang ako nasanay na hindi puno ang schedule. Naging kumportable pa nga ako.

"Really? Wow. That must have been hard. " Di makapaniwala nyang sagot.

"Yeah. Really. Like, I wake up everyday and expecting a full schedule but when I left, it was really different. "

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now