15 - Closer

185 4 0
                                    

"Nagaway nanaman ba kayo?" Rinig kong usapan ng magkapatid.

Kagigising ko lang at ang sarap sarap ng tulog ko dahil siguro sa pagod at late na ako nakatulog kagabi.

"Oo, e. Nakakainis na nga. " Sagot ni Jonnah.

"Bakit ba kayo nagaway kagabi?" Tanong ni ate Jennah.

Nagaway sila ni Brent? Bakit nanaman? Ang layo na nilang dalawa pero may pinagaawayan pa sila?

Pero hindi ba maganda yun? Nasisira na sila, madali nalang sila paghiwalayin. Magiging madali para sa akin ang pag-agaw kay Brent.

Kaso. . .

"Nalaman nyang nagbikini ako. E, wala namang makakita dito! Private beach natin 'to!"

Parang nakakapagod.

Ako ang nagsabi kay Brent sa pagsuot ni Jonnah ng bikini at sinabi ko ring maraming nakakita at nanghihingi ng number nya. Kahit wala naman.

"O, tapos?"

"Hindi sya naniwala! Galit na galit sya kagabi na minumura nya ako. "

Kumalabog ang puso ko sa mga naririnig ko. Hindi, kahit kailanman, minura ni Brent si Jonnah dahal ayaw nya nun. Oo, nagmumura si Brent kapag nag-aaway sila pero hindi nakadirekta kay Jonnah.

Nagkunwari akong tulog at nagpatuloy sa pakikinig sa usapan nilang dalawa tungkol sa pagaaway nila kagabi. Nakabangon lang ako nang umalis na sila sa kama at lumabas ng kwarto.

Kinusot ko ang mga mata ko. Naligo muna ako bago ako bumaba para magbreakfast. Kumuha lang ako ng saging at gatas at tiningnan silang nagluluto ng pang-agahan.

"Ano nanaman ang gagawin natin mamaya?" Tanong ko at kumagat sa saging.

"Magwater park. . . ?" Suggestion ni Trace.

"May height requirement daw, e." Malungkot na sabi ni ate Jonnah.

Tumawa naman kami. Sya ang pinakamaliit sa aming lahat na tingin ko 5'2 lang ang height nya. Nagmumukha parin syang highschool or nagaaral dahil sa sobrang liit nya. Kaya minsan nakakatipid sya sa cab.

"Ano bang height requirement, Myra?" Tanong ko at bumaling.

Tumawa muna sya bago sumagot, "5'4."

"Wala na! Di ka kasama!" Panunukso naman ni Raffy.

"Heh! Sasapakin kita pag inasar mo ang height ko!" Dinuro nya si Raffy.

"Duwendeeeee!" Bumelat sya kaya nainis si ate Jennah at hinabol sya ng tinidor.

Ewan ko sa dalawang yun! Kung magaway parang hindi parehong matanda.

Umupo sa tabi ko si Trace at bahagyang tumama ang braso nya sa akin. Ngumiti sya kaya yun din ang ginawa ko.

Biglang nagflash sa utak ko ang nangyaring pag-ihi nya sa paa ko kagabi, knowing na kapag hindi ko tinakpan ang mga mata ko ay makikita ko ang ari nya. At talagang hindi pa sya nahiya or nagpasabi man lang sa ginawa nya! At ang awkward pa ng posisyon namin.

Namula ako at nagiwas ng tingin.

"Magc-club tayo ulit mamayang gabi, a! At dapat kasama ka na, Vienna!" Tinuro ako ni Myra.

"Magkasama kasi sila ni Trace kagabi. Hmmm." Nanunukso ang tingin nilang lahat sa akin sa sinabi ni Fred.

"Nakalimutan ko nga kasi!"

"Sus! Nakalimutan! Hindi mo lang kami sinipot kasi si Trace ang sinamahan mong maglakad." Umikot ang mga mata ni Jonnah.

"What?" Nakalimutan ko nga kasi talaga!

Steal You (YouSeries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon