40 - Issue

198 4 0
                                    

"Ouch ouch." Bulong ko nang bahagyang diinan ng nurse ang cotton sa noo ko habang nililinisan nya.

Nandito kami ngayon sa clinic ng hotel at ginagamot ang sugat naming dalawa. Yes, kaming dalawa. Dumudugo kasi ang kamao nya sa lakas nang pagkakasuntok sa lalake kanina at pumutok din ang labi nya. Aside doon ay wala na syang sugat.

Ang lalakeng pumasok pala sa kwarto ko kanina ay sa katabing room lang din namin. Gumamit sya ng coin para iikot ang lock ng pintuan kaya sya nakapasok. Nasa kabilang parte naman sya ng clinic at ginagamot din ang sugat sa mukha. Kumpara kay Trace, mas malala ang inabot nya, namamaga ang mga mata at lumobo ang mga labi, nagkapunit punit din ang damit at may galos pa sa pisngi.

Medyo nanginginig pa ako sa lamig, gulat at takot sa nangyari. Hindi ko inaasahang may makakapasok sa kwarto ko at sobrang lapit pa ng mukha sa akin na parang sinasauli lahat ng corner ng mukha ko habang nakangisi. Ang creepy lang.

Pinagsalikop ko ang palad para makontrol ang panginginig. Kung hindi lang dumating si Trace ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Halos lahat pa naman ng tao sa floor na yun ay nasa mga bar.

"I heard you scream so I rushed to your room." Explain nya, "I'm sorry I hit your head."

"It's okay." Sinipat ko ang nakabandage ng sugat.

Tinitigan ko sya. Hindi sya tumitingin sa akin mula kanina pa at alam kong may malalim syang iniisip. Hindi ko lang alam kung ano dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.

Maya maya lang ay dumating ang manager ng hotel na agad kaming natagpuan na nakaupo sa hospital bed.

"Madame, Are you alright?" Tanong nya sa matigas na ingles.

Tumango ako, "Yeah. Just a bit of a shock."

"Are you sure? Do you want to sue him? Kicked off from the hotel? I'll provide you a lawyer." Sabi nya, "We're really sorry about the incident."

Umiling ako, "No, it's fine. I don't want to do anything to him. We'll be leaving tomorrow, anyways."

"But-- Madame. He is a psycho and had a pure intention to harass you!"

Umiling ako lalo, "It is really fine. I don't want to make a big fuss about it. Let this serve a lesson to your management to provide more security."

Tumango nalang din sya at nagpasalamat. Ayoko lang na may gawin pang iba sa lalakeng iyon kundi makalayo.

Matapos nyang umalis ay sumulyap ako uli kay Trace at nakitang wala na sya doon. Nagtaka ako dahil hindi ko naman sya napansing umalis.

Tumayo ako at nagpaalam sa nurse na aalis na ako. Hinanap ko si Trace sa mga cottages kaso wala sya. Dumaan din ako sa restaurant pero wala rin sya. Saan naman kaya sya pupunta sa ganitong oras? Alas kwatro palang ng madaling araw.

Dahil hindi ko naman sya mahanap at ayoko ring bumalik sa hotel dahil sa takot ay nanatili ako sa tabing dagat. Umupo ako sa buhangin at nagisip isip.

Bakit kaya hindi ko parin makayang bumalik sa Pilipinas? Magtatatlong taon na. Ganun parin ba ako kaduwag? Iyon parin ba ang rason na paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko?

Sa totoo lang, gustong gusto kong umuwi at magkapatawaran nalang kami. Na kalimutan nalang ang nangyari at maging magkakaibigan nalang ulit.

Kaso naiisip ko na hindi iyon magiging madali at hindi ako handa sa kung ano mang drama at rejection ang kahaharapin ko.

Ganito ba talaga ako kaduwag? Ganito ba ako kawalang kwentang kaibigan? Nakaya kong iwan sila ng halos tatlong taon nang hindi humihingi ng tawad.

Tama si Trace.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now