38.2 - Photoshoot

192 6 0
                                    

A/N: this is a part 2

~♡~

"Really?" Di makapaniwala kong tanong, "Ikaw? Sumikat ka? How?"

Kumunot ang noo nya, "Don't make it sound impossible." Tinali nya ang robe at naglakad.

Sumunod ako sa kanya, "Well, it is possible but really? Here? In my territory?"

Ngumisi sya, "This is your territory but you didn't know it was me? Sumikat ako for how many weeks sa SNS kaya sobrang daming tao sa cafe."

Ngumiwi ako, "I don't interact much with people online." Sabi ko, "Was that on purpose?" Tanong ko.

Umiling sya, "No. I intended to be low profiled since I have to find you first."

May kung anong nanginig sa puso ko nang marinig yun. I have to find you first. Sounds like a promise, an oath to himself.

"Pero blessing in disguise din naman ang nangyari. I get to work with you and know who you're with." Kumindat sya.

"You're making my heart flutter." Naisabi ko bago ko pa napigilan ang bibig ko. Nagulat man, hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko na rin naman makukuha uli.

Halatang nagulat sya sa sinabi ko at nakita ko kung paano namula ang pisngi nya. Nang mapansing namumula ay umiwas sya ng tingin at nagpigil ng ngisi.

"Kinikilig ka ba?" Natatawang tanong ko. Di ko maiwasang matawa sa reaksyon nya. "Ang cute mo." Ngisi ko.

Tumalikod sya sabay napasuklay ng buhok. Mas lalo akong natawa dahil halatang halata na kinikilig sya. Ano ba yung sinabi ko? Nakakakilig pala yun?

"Humarap ka nga." Hinawakan ko ang balikat nya at pilit na pinapaharap sa akin.

Humarap sya sa akin kaya napabunghalit ako ng tawa. Pulang pula ang buong mukha nya dahil sa kilig. Naabot pa pati ang leeg at tenga nya sa pamumula.

"May sakit ka ba?" Pumalakpak ako dahil sa sobrang pagtawa.

"Stop it."

Dahil nagugutom na ako ay napagdesisyonan naming pumunta sa isang cafe para magorder ng light late lunch. Alas dos na ng hapon at ngayon lang kami natapos. Ang init pa kanina sa setting kaya mas lalo akong nagutom.

Kahit ano man kalaki ang espasyo sa tiyan ko, isang sandwich lang ang inorder ko. May shoot pa kasi mamayang sunset kaya di pa ako pwedeng magpalaki ng tiyan.

Habang kumakain kami ni Trace ay nahagip ng paningin ko ang glass door. Nakita kong sumisilip si Mica mula sa labas at halatang dito nakatingin sa pwesto namin.

Kumunot ang noo ko lalo na nang magtama ang tingin namin. Halatang nagulat sya at bahagya pang nagpanic. Inayos nya ang buhok at tinulak ang pintuan para makapasok.

Bahagyang tumaas ang kilay ko habang pinapanood syang maglakad. Dito sya papunta. Ano namang kailangan nya? Halatang may gusto syang gawin dahil pasilip silip pa sya kanina.

Napansin ni Trace ang tinitingnan ko kaya lumingon sya. Sakto namang nakaabot si Mica sa table namin at ngumiti ng matamis.

"Oh hello!" Ngumisi sya kay Trace, "I was just gonna get a cheesecake but since you're here, I might as well join you right?"

Nagkatinginan kami ni Trace.

"N--"

"Sure." Ngiti ko. Halatang nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Akala siguro nila ay ako ang magno-no pero hindi pala.

"Really? You don't mind?"

Ngumiti ako ng malapad, "I don't mind." Kung anong ikinaganda ng ngiti ko, kabaliktaran ang naiisip ko.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now