46 - After

239 5 0
                                    

Dalawang araw matapos ang insidente sa bahay ni Raffy ay nagmukmok ako sa bahay. Hindi ako lumalabas, lalo pa't wala namang nagaaya sa aking gumala. Wala rin naman akong balak. Tska, sino bang magaaya sa akin? Nakakatawa.

Ang nega ko talaga. Pinagsabihan na ako ni Trace na wag bumaba ang tingin sa sarili pero heto parin ako.

Sanay na rin naman ako na kapag walang ginagawa ay nananatili lang sa bahay. Ganun ang usual day off ko. Iba nga lang dito dahil wala akong kasama at makausap nang matino. Si Tereza ay palaging si Trace at Jonnah ang bukambibig.

Nabobored man, wala akong ganang lumabas. Nadidiscourage ako sa init ng panahon at traffic. Nakipagchat lang ako buong magdamag kay Sisa at Karen dahil sila lang yung available. Mas busy kasi yung ibang models dahil na rin sa kanya kanyang pinopromote na brands.

Karen:

You're so lame. Go and have fun. 

Sisa:

Yeah, don't let your problems stop you from doing the best.

Karen:

Go barhopping, bitch. Even if you're alone.

Me:

I'm tired.

Karen:

The hell is wrong with you. Try going out for tonight, you'll eat your words. 

Bitch.

Sisa:

Byeeeeeeeeeeers. I'm preparing for my live. 

I'll mention you.

and you too, @Karen. 

Binaba ko ang phone at tiningnan ang wall clock. Alas singco na ng hapon, padilim na sa labas. Kahit tinatamad ay bumangon ako para maligo. Aalis nalang ako ng bahay, mukhang tama naman sila. Isa pa, baka mabulok ako dito.

Nakakamiss ding pumunta sa NorthOne.

Matapos ang halos dalawang oras ng pagp-prepare ay natapos din ako. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nakablack and white body con dress ako na masyadong hapit sa katawan, feel ko sumasabog ang pwet ko sa sikip. Pero bagay naman. May pabilog itong butas sa gitna kaya kita ang cleavage ko, mababa din ang neckline sa likod. 

The struggle nga naman of being a girl.

Nahirapan pa akong maghanap ng damit dahil halos lahat ng iyon nasa Paris. Akala ko kasi ay matatagalan talaga ako bago bumalik dito kaya pinadala ko halos lahat ng damit doon at konti lang ang tinira dito. Yung mga damit na dala ko naman ay simple lang. 

Bukas bibili ako ng bagong damit. O ipadala ko nalang kaya balik dito yung mga damit ko? 

Pagopen ko ng cellphone ko ay may message si Trace. 

Trace:

Hey. What u up 2?

Sa dalawang araw, hindi bumisita si Trace. Sinabi ko namang magpapahinga lang ako mula sa nangyari at naintindihan nya naman. Hindi naman sya pumalya sa pagtetext sa akin araw araw. Inuupdate nya din ako sa mga ganap sa kanilang magpipinsan kahit hindi naman kailangan.

Me:

I'm going out. You wanna come?

Trace:

Sunod lang ako. I'm doing something. Wr u goin?

Me:

NorthOne. Wanna go out now ))): So bored

Trace:

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now