14 - Sea Urchin

177 4 0
                                    

Ayaw sumama ni Fred sa banana boat kasi natatakot daw sya. Ayaw nya daw makita yung mga corals sa ilalim dahil nakakatakot na para daw syang kakainin. Kinantiyawan tuloy siya ni Myra na mas bakla pa ito sa kaniya pero di siya natinag sa desisyon na maghintay nalang sa'min sa pampang.

Buti nalang ay napilit namin si Raffy na sumama sa amin at pabayaan nalang si Fred. Ready na kaming nakaupo sa boat at hinihintay nalang umandar ang hihila sa amin.

"Hindi ba tayo lulusot sa lifejacket?" Paranoid na tanong ni Ate Jennah.

"Bobo ka ba?" Inirapan sya ni Raffy.

Jonnah, Myra, ate Jennah, Raffy, ako, at Trace. Yan ang position namin sa boat. Si Jonnah ang nasa harap at si Trace ang nasa dulo.

"Ready na?" Tanong ng lalake sa isang cabin. Tumango kami.

Dahan dahan muna kaming hinila patungo sa malalim na parte ng dagat. Kahit wala pang nangyayari ay sumisigaw na kami sa excitement.

"Ahhh!" Naunang sumigaw si Myra habang hinihila kami ng mabilis.

Kinakabahan ako! Tumatalon talon pa ako sa inuupuan ko. Biglang lumiko ang boat dahilan ng pagkahulog naming lahat sa tubig.

Totoo nga yung sabi ni Fred, nakakatakot ang mga corals.

"Pahelp, Myra." Inabot ni Myra ang kamay ni Jonnah at tinulungan umakyat.

Sinubukan kong umakyat sa boat sa pagsampa ng isang paa kaso madulas at ang hirap buhatin ng katawan ko. May narinig akong tumawa at naglahad ng kamay sa akin.

Inangat ko ang tingin at nakita si Trace na ngingiti ngiti sa akin na parang natutuwa sya.

Kahit nagaalinlangan ay tinanggap ko ang kamay nya at nagpatulong sa pagsampa. Nakarinig kami ng tawanan sa harap kaya tumingin kami.

"Ang daya! Tulungan nyo ako!" Sumisigaw si Jonnah dahil hindi sya tinutulungan makasampa sa boat at tinutulak pa kapag malapit na.

"Mauubos ang oras, ano ba!" Pagmamaktol nya at hinampas ang boat.

"Kuya, alis na! Iwan mo tong isa dito!" Panunukso ko.

"Hayop ka, Vienna!" At tinry nya ulit sumampa. Naawa naman kami sa kanya kaya hinayaan nalang namin sya.

Nagpatuloy ulit sa pagtakbo ang boat. Pabilis ng pabilis. Isang beses ay tumilapon ako at sa pinakamalayo napunta.

Nagpanic ako dahil dalawang metro ang layo ko sa mga kasama ko. Baka maiwan ako!

"Hoy! Hintayin nyo ako!" Sumigaw ako pero parang wala silang narinig. Lumangoy ako kaso hindi ako ganoong kabilis para maabutan sila.

Tumalon ang puso ko sa kaba ng may malamig na bagay ang pumulupot sa paa ko. Wala sa sarili akong napasipa sa tubig at sumigaw.

Oh my god! Ano yun? Isda? Pating?!

Lumitaw sa harap ko si Trace kaya muntik ko syang masuntok sa gulat! Sya lang naman pala! Bakit ba kailangan nyang magpaspecial palagi?

Mukhang tuwang tuwa sya sa reaksyon ko dahil sa lapad ng ngisi nya. Tumutulo pa ang salt water galing sa mukha nya pababa sa. . . Katawan nya.

Tiningnan ko sya ng masama. Hindi ako natutuwa! Walang nakakatawa sa ginawa nyang pananakot sa akin! Nakakainis talaga.

Tinulak ko ang dibdib nya para umalis sya sa harap ko kahit na parang wala namang nangyari. Lumangoy ako patungo sa banana boat. Nakasakay na silang lahat at kami nalang ang hinihintay.

Sinubukan ko ulit sumampa ngunit nadulas agad. Bakit ba nahihirapan ako dito? Hindi naman ako mabigat!

May kamay na humawak sa magkabila kong bewang at mabilis akong binuhat sa boat. Nanlalaki pa ang mata ko sa gulat at bilis ng nangyari.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now