13 - La Isla

180 6 0
                                    

A/N: Vienna is trying hard to remain infamous in the country. You can't expect her to go around the inside the malls with bodyguards because that will make her and her identity more suspicious. She is blending with the crowd, just as she wants it to be. There is no mistake so far.

~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Cinlear ko ang schedule ko for two days at pinadala ang sekretarya at Vice President para magsupervise ng hotel at building.

Kagabi palang ay handa na ang mga gamit ko para sa trip na gaganapin sa La Isla. Pinasok ko na sa isang malaking bag and moisturizer, sunblock, bikinis, extras, sunglasses, facial creams, facial masks, dresses at iba pa.

Magpapasundo lang ako kay Jonnah dahil hassle kung gagamitin ko ang sariling sasakyan lalo pa't medyo malayo ang beach. Hindi kasi ako sanay sa mga long drives at mas mabuting sumabay nalang sa kaniya.

Makakapunta raw si Raffy at Fred dahil pinilit ni Auntie na pumunta ang dalawa. Si Myra naman ay pinakiusapan ang parents nya na magleave sa trabaho para makasama.

Kagabi ay napagplanuhan namin na sa isang SUV kami sasakay, pero hindi kasama roon sila Auntie at Tito dahil may sarili silang sasakyan at ayaw namin silang kasama dahil KJ.

"Si Jennah nalang ang hinihintay." Sabi ni Myra.

Kumpleto na kami; Jonnah, Myra, Fred, Raffy, ako. . . At si Trace. Unfortunately ay kasama pala sya sa family tree kaya nandito din sya.

May tumawag sa cellphone ni Raffy kaya umalis muna ito. Nagpatuloy naman kami sa paguusap usap tungkol sa La Isla.

Isa iyong beach na bukas para sa publiko. Sikat dahil sila Myra ang may ari. Pero may parte ng beach na isang pribado at doon kami tutuloy.

"Diba maraming island, doon?"

"May water park adventure."

"Banana boat tayo!"

"Kids!" Tinawag kami ni Auntie, "Gagamitin nyo nalang muna ang sasakyan ni Raffy dahil nasiraan daw yung SUV. "

Napakunot ako ng noo at sakto namang nagsalita si Jonnah, "Ma! Di kami kasya lahat dun!"

Nasa isip ko na hindi makakapasok ang dalawang tao sa sasakyan ni Raffy. At kahit sino sa amin ay ayaw sumabay sa mga oldies.

"I brought my car." Napalingon kami kay Trace.

Brought? Hindi ba sya tumitira dito?

"Great! Jonnah, sumabay ka nalang kay Trace." Sabi ni Auntie at tinalikuran na kami.

"No way! Boring." Umiling sya bilang protesta kahit nakatalikod na si Auntie, "Ikaw nalang kuya!"

"Ayoko. Wala si Fred."

"Bakla ba kayo?" Umikot ang mga mata ko.

Natahimik silang lahat at tiningnan ako, "Ikaw nalang Vienna!" Pagtutulak ni Myra.

Kumunot ang noo ko at magp-protesta na sana kaso nagsalita si Jonnah, "Sige na! Tutal close naman kayo ni Trace."

Close? Parang hindi naman.

Pinilit pa nila ako hanggang sa napagod ako at sumuko nalang. Kahit sobrang fun sa sasakyan ni Raffy dahil kumpleto kami, wala akong magawa dahil lahat sila ay pinagkakanulo ako kay Trace.

Napaikot ako ng mata at nilagay ang mga bag ko sa sasakyan ni Trace.

"Pupunta ka ba ng Hongkong?" Panandalian kong hindi nagets ang sinabi ni Trace.

"Babae ako. These are my necessities. "

Tumaas ang isang kilay nya, "Really? I thought you're bringing your house."

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now