42 - Bliss

203 5 0
                                    

"Where are you going?" Tanong ni Sisa pagpasok nya sa kwarto at nakitang nakared dress ako.

Nginitian ko sya mula sa salamin at sinipat pa uli ang damit. Magdedate kami ni Trace mamaya sa isang mamahalin restaurant gaya ng ipinangako nya sa akin kagabi. Babawi daw sya sa akin.

"I'm going on a date with Trace." Sagot ko.

Ngumisi sya, "Wow. Improvement. You were not home since yesterday and now you're going out again. With him."

Hindi na ako nakauwi kahapon dahil buong araw kaming magkasama ni Trace. Kung saan saan lang naman kami napunta. Tatambay lang kami sandali sa coffee shop nya at uuwi nanaman sa bahay. Nakapagshopping din kami kahapon ng mga kakailanganin nya sa bahay nya.

Ngumisi nalang ako.

"By the way, have you noticed the cafe's name?" Umupo sya sa kama.

"No. Why?"

Annive Creát

"Really? No wonder he has to follow you here." Umiling iling sya.

"What?" Tumawa ako, "Seriously. Whats the matter with the name? Is it ugly for you?"

"No, idiot!" Umikot ang mga mata nya, "It was named after the both of you!"

Tumigil ako sa pagsipat sa sarili.

Annive Creát.

Right. Vienna. Trace. How could I not know?

Ganun ba ako katanga sa feelings nya sa akin?

"See? Now you realize how stupid you are." Tumayo sya at iniwan ako sa kwarto.

Nanikip ang dibdib ko. Ilang taon din pala syang nagdusa nang mawala ako. Ilang taon din pala syang nagdusa para sa akin. Inalay ko ang halos isang dekada ko kay Brent na wala namang naibigay kundi awa sa akin, pero nandyam si Trace na nagawang sundan ako. Nung pumunta sya dito ay naisip ko pang iwasan sya.

Wala talaga akong kwenta.

Humigop ako ng hangin. Alam ko na ang gagawin. Kinuha ko ang purse at nagpaalam kina Karen. Sakto namang pababa na ako nang bumusina sya sa labas.

Natagpuan ko sya na nakaupo sa hood ng sasakyan nya. Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa lakas ng dating nya. Naka white sleeves sya na nakarolyo hanggang siko.

Halos patakbo akong pumunta sa kanya kaya tumayo sya at ngumiti. Nagulat sya sa sunod kong ginawa.

Nang maitawid ko ang distansya namin ay hinawakan ko ang batok nya at hinalikan sya ng mariin. Nang akala ko ay ayaw nya ay saka naman gumalaw ang labi nya at hinawakan ang likod ko.

Sinipsip nya ang pang ibabang labi ko kaya napahawak ako sa braso nya. Nanatili kaming ganoon hanggang sa nagsawa kami. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghalikan o kung may nakakakita ba sa amin.

Wala akong pake.

Ang mahalaga, masaya ako. Masaya kami.

Nang maghiwalay kami ay naramdaman ko ang pangangapal ng labi ko. Nararamdaman ko parin ang halik nya kaya napakagat ako ng labi. Gusto ko pa.

Buti nalang kissproof ang lipstick ko.

"What the hell! Get a room!" Sigaw ni Karen mula sa kwarto nya.

Natawa kaming dalawa. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa sasakyan.

Medyo malayo ang restaurant na kakainan namin at traffic pa dahil rush hour. Pero okay lang dahil kahit tahimik sa kotse, hindi ako nabobored. Nakapatong ang kamay ni Trace sa hita ko habang nagd-drive sya.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now