17 - You and I

268 3 0
                                    

A/N: Vienna was drunk, she was childish. I think that's normal sa mga lasing. Hindi po nabago ang personality ni Vienna. Lasing lang talaga sya.

~♡~

I want to die.

Gusto ko nalang magkasleep paralysis at mamatay sa bangungot. Or mamatay nalang kahit natutulog ako. Ayoko ng magising! Pwede bang lamunin nalang ako ng kama?

Naalala ko ang nangyari kagabi at halos buhusan ko ang sarili ko ng muriatic acid sa sobrang hiya na naramdaman ko.

Halos ipagkanulo ko ang sarili ko kay Trace kagabi! Nakakahiya! Bakit ba kapag lasing, nakakaalala ako? Mas gusto ko pang makalimot dahil sa sobrang kahihiyan na nagawa ko kagabi!

Ang sama talaga ng epekto ng alak sa akin. Kahit noon pa man. Pero hindi naman naging ganito kalala ang mga inaakto ko! At kung minamalas nga naman, kay Trace pa!

Ang tanga tanga mo talaga, Vienna. Estupida! Akala ko ba nakapagaral ka sa isang university, pero ang bobo ng ginawa mo kagabi!

Mabuti nalang at walang saltik sa ulo si Trace kaya di nya ginawa ang sinasabi nyang gagawin namin kagabi. Hinatid nya lang ako sa kwarto hanggang sa nakatulog ako.

Magkukunwari nalang akong walang maalala, less awkward yun. Pagbibigyan nya naman siguro ako since lasing nga ako kagabi at sobrang lakas ng loob.

Bumangon ako sa kama. Ngayon ko lang narealize na ako lang ang nakahiga dito dahil silang tatlo ay nasa sahig at magkatabi. Walang unan or mattress.

May suka pa sa isang gilid at hindi ko alam kung kanino yun. Nagkalat rin ang kwarto, may mga tshirt at suklay na nagkalat.

Hinilot ko ang sintido sa sobrang sakit ng ulo ko. Feeling ko minamartilyo ng sampung construction worker.

Hindi pa ako ready bumaba, pero kailangan. Kahit nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko kagabi kay Trace, magkukunwari nalang akong nakalimot.

"Goodmorning." Si Trace ang naabutan ko sa counter at nagkakape.

Namula ang pisngi ko dahil naalala ko nanaman ang kahihiyan ko, "Morning. Saan sila Auntie?"

Nagkibit balikat sya. Umupo ako sa stool sa tabi nya at pumikit. Ang sakit talaga ng ulo ko! Ito ang pinaka ayaw ko kapag naglalasing ako, ang hangover.

"Hangover?"

Tumango ako. Tumayo sya at may kinuha sa ref. Mga recipes.

"Magluluto ka?" Tanong ko.

"Yep. Soup lang para. . . Sa inyo."

"Ohh."

Pinanuod ko sya habang nagluluto sya. Hindi bagay ang suot nyang khaki pants at blue printed shirt habang nagluluto sya.

Nilapag nya sa harap ko ang bowl ng soup. Inamoy ko iyon. Ang bango! Feeling ko masarap na sa amoy pa lang.

Tumikim ako. Sakto namang bumaba sila Fred na mapupula ang mga mata at wala pang ligo.

"Did you take a hit?" Mukha syang nagweeds.

"Fuck you. My head is aching badly."

Dahil sa sobrang hangover ay late na nagising ang iba. Magl-lunch na nung nakababa ang mga girls kaya wala na kaming time para simhutin ulit ang dagat bago umalis.

Nagsimula na akong magprepare ng gamit kasama ang mga girls. Sabi nila ay sumasakit daw ang ulo nila na gusto nilang iuntog sa pader.

"Anong oras ka umuwi kagabi? Di kita napansin, a! Bigla ka nalang nawala. Ikaw lang mag-isa? " Pamumuna ni Jonnah.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now