33 - Miami

174 5 0
                                    

"Are you even allowed to go with me?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

"I'll be present as your guardian."

"You're kidding me." Di makapaniwala kong sabi.

Sasama daw sya sa akin papunta sa Miami kung saan ang next shoot ng mv. Nakapagshoot na kasi sila Chris dito sa Paris at ang susunod naman na kukunan ay ang sa Miami.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nya pang sumama sa akin. Halos isang linggo lang naman ako mawawala para magtrabaho. Ni hindi ko nga alam na sasama pala sya. Nagulat nalang ako ng makita ang pangalan nya sa sobre.

"What? I'm not busy. I can go with you." Sabi nya at tumawa, "Iniisip mo bang nagiging clingy ako sa'yo?"

Hindi kung saan nanggaling ang naisip nyang yun pero namula ako, "Of course not!"

Tumikhim sya, "I will pretend I didn't hear you defensively."

"I hate you."

Dahil hindi ko naman sya makausap nang maayos ay ibinaba ko na ang tawag. Napailing nalang ako.

Nang tumalikod ako ay nakita ko si Cass na nakatingin sa akin. Dumako ang tingin nya sa cellphone na hawak ko at umikot ang mga mata nya. Naglakad sya at nilampasan ako.

"I was not eavesdropping." Sabi nya.

Pinigilan kong ngumisi at tumango. Yun ang unang paguusap namin.

Unaga ang flight ko kasama si Trace at Chris Brown papunta ng Miami. Konti lang kaming kasali sa shoot ang pupunta sa Miami dahil nauna na daw ang iba sabi ni Rick.

Namamaga pa ang mga mata ko nang bumaba sa hagdanan ng apartment. Kagigising ko lang kasi at madalian lang ang pagligo at bihis na ginawa ko. Mabuti nalang ay nakapagempake na ako kagabi pa.

Sinuot ko ang sinarado ko ang zipper ng suot na jacket. Ang lamig pa. Sumakay ako sa kotse ni Trace na naghihintay.

"I'm gonna ask you again, bakit gusto mong sumama?" Tanong ko.

"I told you, I'm not busy. Gusto ko ring gumala." Tumikhim sya at mahinang bumulong, "with you."

Wala sa sarili akong ngumiti, "I knew it."

Inirapan nya ako at umiling. Nagpatuloy sya sa pagdadrive papunta sa airport. Nakarating kami ng alas otso. Thirty minutes ay aalis na kami.

Nadatnan namin si Rick, Chris, Usher at Tati na naghihintay. Sabay kaming umakyat sa airplane. Magkatabi kami ni Trace at Usher sa upuan. Nasa likod naman namin si Rick, Tati at Chris.

Nang lumipad na ang airplane ay sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Trace. Inaantok pa ako. Kulang ako sa tulog dahil nakipagusap pa ako sa kanya hanggang hatinggabi sa phone.

"You sleepy?" Tanong nya at inamoy ang buhok ko.

Tumango ako.

Hindi ko alam kung ilang oras ako natulog. Nagkakilala na rin sila Trace paggising ko dahil nadatnan ko silang naguusap at nagkakatuwaan.

Nang makababa kami sa Miami ay past dinner na. Nagdadrive na si Usher papunta sa hotel na tutuluyan namin. Dahil pagod kami sa byahe ay tahimik kaming lahat.

Tatlong room ang nakareserve para sa amin. Magkasama sa iisang kwarto si Usher at Chris, kami naman ni Tati, at si Rick at Trace.

Magliliwaliw muna daw kami bukas at sa susunod na araw pa ang shoot para sa mv. Dahil inaantok na ako ay dumiretso na ako sa kwarto.

Nang papasok ba sana ako ay may humila ng palapulsuhan ko. Pagharap ko ay si Trace lang pala.

"Can we sleep together?"

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now