47 - Birthday

261 3 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Palabas labas ako ng bahay kasama sila Fred kung iniimbita ako. Na kadalasan ay oo kaya hindi ko pinalalampas ang pagkakataon at pumapayag agad.

Mabuti nga at sinasama pa nila ako. Kung saan saan lang naman kami pumupunta. Nararamdaman kong paunti unti... ng paunti unti, nagiging kumportable kami sa isa't isa.

Syempre, pasalamat ako doon kahit nagback to zero kami. Hindi naging madali ang nangyari para sa amin na kalimutan ang lahat. Hinahayaan ko nalang ang mga bagay na magtake place.

Madami pa namang oras. Sana. Nagkakasama naman kami ngayon, stepping stone ito para sa panibagong simula. Kahit hindi na kami mabalik sa dati.

Tuwing lumalabas naman kami ay ramdam ko ang pagiging mailap ni Jonnah sa akin. Ramdam kong lumalayo sya at hindi kumportable sa presensya ko pero tinitiis ko nalang.

Napeptalk nanaman kasi ako ni Trace na magtiis.

Nalaman ko ring close na close talaga si Divina at Jonnah bago pa noong umalis ako. Hindi ko alam kung paano dahil hindi naman ya nakukwento sa akin ni Jonnah.

Si Divina naman ay natural na mabait, natural na tahimik at mahinhin, yung tipong timid na timid na halos hindi ko sya napapansin dahil para lang syang hangin.

Nagsasalita kung kelan tinatanong o relevant, nakikitawa at ngisi lang sa kwentuhan. Hindi talaga sya nagsasalita at painom inom lang sa gilid.

Hindi ko nga maisip na naligaw sya sa grupo nila Fred daw sa sobrang tahimik nya.

At hindi ko alam kung ako lang, pero may napapansin ako sa pagitan nila ni Raffy. Sobra kasing caring nitong si Raffy sa kanya na sobrang obvious para sa akin.

Wala rin naman silang nababanggit about sa kanilang dalawa kaya patuloy ko lang na inoobserbahan.

Si Trace naman, kahit busy ay sinusubukang sumunod sa tuwing lalabas kami. Nagpatuloy na rin kasi sya sa pagtatrabaho sa firm ng tito nya dito sa manila.

Pinagsabihan ko naman sya na okay lang kahit wag syang sumumod. Nagaaalala lang daw kasi sya para sa akin.

Napangiti nalang ako.

God, what did I do to have him?

Okay lang naman na wala sya dahil natututunan ko ring makiayon kila Myra nang magisa.

At bukas ay birthday nya.

Kaya nga nasa lalabas nanaman kami para bumili ng mga ihahanda bukas. Kami kami lang daw ang magcecelebrate bukas dahil yun ang gusto nya

"Magbarbecue kaya tayo? Tagal ko nang di nakakakain, e." Sabi ni Myra.

"Buti buhay ka pa." Ngumisi si Raffy.

"Nakakatawa. Suntukin kita dyan, e." Umikot ang mga mata nya.

"Samgyeopsal tayo, g?" Suhestiyon nya nanaman.

"Patay gutom ka talaga."

Hindi nakasama si Trace ngayon. Hindi rin naman kasi sinabi sa kanya para surprise.

"Ikaw, Ina, anong gusto mo?" Tanong ni Jonnah kay Divina.

Ngumiti ang huli at nagsalita. Sa hina ng boses nya ay hindi ko narinig kung anong sinabi nya pero ngumiti si Jonnah. Inangat nya ang ulo at nagtama ang tingin namin.

"Samgyeopsal daw!"

"Yes! The best ka talaga." Sigaw ni Raffy at kumuha ng meat.

"Iinom ba tayo?" Tanong ko.

"Of course!" Sagot ni Myra "Hindi pwedeng hindi."

"Anong iinumin natin? Black label?"

"Gusto ko yung The Bar Gin lime! Mas masarap daw yun kesa sa pink sabi ng kaibigan ko." Sagot ni Fred.

Steal You (YouSeries #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora