31 - Early Morning

176 2 1
                                    

"Locked!" Naiinis kong sabi.

Nilock nila ang gate ng apartment kaya hindi ako makapasok. Hindi rin nila ako maririnig kung sumigaw man ako at baka ireport ako ng kapitbahay.

Hindi ba sila nainform na baka malate ako ng uwi? Hay nako naman. Kung hindi ba naman ako minamalas! K

Napabuga ako ng hangin.

Inaantok na talaga ako kaya sinubukan kong tawagan si Sisa. Hindi sumasagot. Ganun din si Cass at Trish at lahat ng nakatira sa loob.

Hinampas ko ang gate.

Nakakainis!

Humikab ako, "This is so annoying. Gusto ko nang matulog!" Pagmamaktol ko at humarap sa lalakeng nakaupo sa hood at nakangising nakatingin sa akin, "What are you smiling at?"

Anong ngini-nginiti nito? Nakakatawa ba ang sitwasyon ko?

"Why don't you sleep at my house?" Suhestiyon nya.

"What?" I asked, baffled, "No way." Umiling ako.

Tumayo sya, "Why not?"

Why not? Why not? May dugong pilipina parin naman ako at ang awkward kung matutulog kami sa isang bubong.

"Your house is far from here." Totoo yun, "And I'm really sleepy." Humikab ako.

"You can sleep in the car on our way there."

Suminghot ako sa lamig, "Really."

Wala na akong mahanap na pwedeng irason sa kanya. Ayaw nya rin kasing magpatalo. Wala rin naman akong choice kesa sa matulog ako sa labas at wala akong extra money para tumuloy sa hotel. Nagooffer lang din naman sya ay might as well um-oo nalang ako.

Nagdadrive na sya patungo sa bahay nya. Pumayag nalang ako at dahil matagalan pa sya, sya pa naman ang inistorbo ko at kargo konsensya nya pa kung may mangyari sa akin. Mukhang antok na antok na rin sya kaya tahimik lang kami buong biyahe.

Nang makarating sa bahay niya ay napaisip agad ako. Wala akong kahit anong gamit dito. Anong isusuot ko? Napaka uncomfortable kung itutulog ko ang panglakad kong suot.

Tahimik lang kaming pumasok sa bahay niya na sakto lang para sa pang-isahang tao. Very different from his place back in Philippines.

"Binili mo 'to?" I asked and sat on the sofa.

"No. Nagr-rent lang. Fully paid na for a whole year."

"You're staying here for a year?"

He shrugged, "Depends."

Kumunot ang noo ko, "Depends on what?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at pumasok sa kwarto niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang damit na nakatupi, nakapagbihis na rin siya ng pantulog niya.

He offered me his clothes, "Just use mine. Bagong laba iyan."

I nodded and asked where the bathroom is. Doon ako magbibihis. Nang matapos ay sinipat ko ang sarili sa full length mirror. Mukha akong hanger sa laki ng tshirt ni Trace sa'kin.

Pero in all fairness, malamig at comfortable. Mabango pa!

Nang makalabas ako ay nakita ko siyang naghahanda ng tutulugan sa sofa.

"Wala kang extra room?"

Umiling siya at pinagpag ang sofa, "No. I live alone. I don't know anyone here. Ba't ko kakailanganin ang extra room?"

Umismid ako, "Sungit mo naman. I was gonna offer you to sleep in your bed pa naman tapos ako na sa sofa."

"No, thanks."

Steal You (YouSeries #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu