45 - Gathering

227 2 0
                                    

Napamaang ako sa dahil sa sinabi nya. Mukhang hindi sya bothered na dadalhin nya ako sa family gathering kung saan matagal na akong tinakwil. Duh? Sinong matinong tao ang magdadala ng kabit sa pamilya?

"What!?" Sigaw ko. "Are you stupid?"

"Woah. Don't call me that, Vienna. I am your only friend."

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman iyon pero...

"Take me home, Raffy!" Pagdadabog ko.

Hindi pa ako handang pumunta doon! At hindi ko naman ineexpect na sa araw ng pagbabalik ko ay talagang magkikita kami. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila oras  na makita ako.

"No, can't do." Umiling sya.

Ang kalmado nya! Parang hindi sya magdadala ng kabit sa pamamahay nya, at ex bestfriend pa ng barkada nya. Winiwish ko nalang na sana hindi ako pumunta sa Arcade para hindi kami nagkita ni Raffy.

"Ano ba!" Hinampas ko ang braso nya.

"Wag kang nananakit, Vienna!"

"Iuwi mo ako, hayop ka!"

"That didn't sound like a cuss if it's coming from you, Vienna."

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"May accent."

Inikot ko ang mga mata ko, "Don't drive me off! Iuwi mo ako, Raffy! Hindi ako nagbibiro."

"So do I."

Buong byahe ay pinilit ko syang iuwi ako. Wala akong balak magpakita sa ganitong sitwasyon. Ni wala akong nakaprepare na script. Naiiyak tuloy ako.

"Alam mo bang ginagawa mo?" Napapagod kong tanong. Nakita ko na papasok na kami sa subdivision nila kaya mas lalo akong kinabahan.

"Of course, I do. But whatever, you are family."

"I was." Umiling ako, "Raffy, I'm serious. This is not something you can do just because you want it to happen. Think about the consequences. Our situation might get worse!"

"I thought about the consequences, Vienna. And I don't think it could get any worse."

Nang makapark sya sa harap ng bahay nila ay hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Gusto ko nang umuwi! Gulong gulo ang isip ko at di alam ang gagawin. Kung tumakas kaya ako? Hindi ko matatakbuhan si Raffy!

Binuksan nya ang pintuan at hinila ang kamay ko, "Ayoko."

"It's not like you have any more choices."

"Natatakot ako." Pagamin ko.

Hindi ako takot lang. Kundi takot na takot na takot ako na gusto kong himatayin sandali para hindi matuloy sa pagpasok.

Lumambot ang ekspresyon nya, "Come on, it will be alright."

"How?" Para akong bata na nagtatanong sa kanya.

"I just think that it will be. Let's go."

Hindi man maayos ang pagkakapeptalk nya sa akin ay sumama ako. Hawak nya ang palapulsuhan ko habang papasok sya sa bahay. Nanghihina ang tuhod ko at tumatayo ang balahibo ko sa batok dahil sa lamig na mas nagpakaba sa akin.

Pagbukas nya palang ng pintuan ay isa isa silang napatingin sa pintuan. Nagugat ako sa takot kaya humigpit ang hawak sa akin ni Raffy.

Halata ang pagtataka, gulat at galit sa mga mata nila sa oras na nakita ako. Gusto kong iyuko ang mata pero hindi ko magawa. Sobrang bigat ng atmosphere na parang naaapakan na ako.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now